
TIKTOK STAR OF THE DAY
NAPAKA-ARTISTAHIN ng kanyang mukha. Tila kontrabida sa teleserye na kaiinisan mo dahil sa galing niya magpahirap sa bida. Pero sa ibang bagay, siya ang bida at tiyak na kababaliwan mo siya.
Si Shame Domdom, ang TikTok star na mayroon nang 127.6K followers at 884K likes na sa kasalukuyan. Bukod sa peslak na parang artista ay tila beauty queen din siya.
Hindi man siya sumali sa mga pageant pero kokoronahan mo siya pagdating galing niya magpa-cute. Mula sa simpleng OOTD videos hanggang sa kanyang bikini awra sa resorts at dagat ay tiyak akong babad ka talaga sa kanyang account.
Maaaring mapanuod ang kanyang quality contents sa TikTok sa username na @_ssoleill. Huwag ka na magpahuli dahil mahaba ang pila sa mga gustong magpapansin sa kanya.