Tiktok3

TIKTOK STAR OF THE DAY

June 25, 2024 People's Tonight 96 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok4MAPAPA-DIVE sa kanyang vibe ang netizens dahil sa husay ng TikTok star na si Patriz Herrera na ibandera ang kanyang contents at pagiging kabogera.

Alive na alive ang TikTok account niyang @patrizherrera mula sa mga travel contents at lifestyle videos niya.

Bakas sa kanyang posts ang pagiging travel lover ni Patriz.

Bukod sa TikTok, kaya ring maghain ng nasabing social media star sa Instagram ng magagandang tanawin. Hindi lang mula sa mga lugar na kanyang napupuntahan, maging sa best view ng kanyang katawan ay winner ang followers niya sa account na @patrizherrera.

Todo flex din si Patriz sa kanyang lovelife. Karamihan nga sa kanyang videos ay kasama ang kanyang nobyo at ang kanilang mga nakatutuwang moments.

Gaya ng mga lugar na nililibot ni Patriz, marami pang madi-discover ang netizens sa digital creator. Kaya’t kilalanin ang ating TikTok star of the day!

AUTHOR PROFILE