Tiktok2

TIKTOK STAR OF THE DAY

April 22, 2024 People's Tonight 111 views

TiktokTiktok1Tiktok3Tiktok4HINDI lang sa pangalan niya makikita ang saya dahil maging sa pagiging TikTok star ni Joy Corita ay kaya niyang makapagpalabas ng ngiti.

Mula sa kanyang mga lifestyle contents, pagli-lip sync sa mga viral sounds at challenges sa nasabing social media platform, hanggang sa pagiging endorser ng mga produkto at pagiging modelo, lahat ng sangkap ng pagiging social media star ay makikita kay Joy.

Sa kanyang TikTok account na @joycoritaa, nae-enjoy ng kanyang higit 180 thousand followers ang kanyang beauty at karisma.

Maging sa kanyang Instagram account na @joycoritaa ay na-perfect na ni Joy ang tamang timpla ng pagiging digital creator. Kung mapapatambay nga sa kanyang account ay imposibleng hindi mapatagal sa pag-scroll ang kahit na sinong kelot dahil sa ganda ng mga selfie at pasabog na bikini photos ng bebot.

Bukod sa pagtatrabaho bilang modelo at pakikipag-collaborate sa iba’t ibang mga brands, hilig din ni Joy ang pagtatravel.

Mas makikilala mo pa ang TikTok star of the day kung bibisitahin siya sa kanyang mga account.

AUTHOR PROFILE