Default Thumbnail

Pangalawang taon ng ‘Parangal ng Sining’ ng FDCP dinaluhan ng malalaking personalidad

April 21, 2024 Aster Amoyo 82 views

MATAGUMPAY ang ikalawang taon ng “Parangal ng Sining” ng Film Develoopment Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ngayon ng bagong Chairman and CEO, ang award-winning writer-director na si Jose Javier Reyes na siyang pumalit sa nag-resign sa posisyon, ang award-winning actor na si Tirso Cruz III, na siyang nagsimula ng naturang event nung isang taon. Ito’y ginanap sa grand ballroom ng Seda – Vertis North in Quezon City nung Biyenes ng gabi, April 19.

Nanguna ang veteran actress, Chairman at dating pangulo ng MOWELFUND at isa sa mga miyembro ng ExeCom ng Metro Manila Film Festival na si Boots Anson Roa-Rodrigo sa pinarangalan ng Lifetime Achievement Award along with other cinema luminaries tulad nina Dr. Nicanor Tiongson, Dr. Clodualdo del Mundo, Sr. , ang may sakit at dumating na naka-wheelchair nang si Armando `Bing’ Lao, ang movie queen na si Gloria Romero, ang Society of Filipino Archivists for Film (SOFIA) at ang ABS-CBN Film Restoration (Sagip Pelikula) na pinamumunuan ni Leo Katigbak.

Hindi nakarating ang 90-year-old na si Gloria Romero at sa halip ay ang Manununuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) founding member, writer at host na si Butch Francisco (na malapit na kaibigan ni Gloria) ang tumanggap ng kanyang award. Sinamahan naman si Leo Katigbak ng award-winning actress at dating president and CEO ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio sa pagtanggap ng parangal. Charo played an important role kung bakit nagkaroon ng film restoration ang ABS-CBN.

Binigyan naman ng Posthumous Award ang namayapang film curator and archivist na si Teddy Co habang Honorary Distinction naman ang ipinagkaloob sa yumaong actress na si Jaclyn Jose, the very first Southeast Asian Actress na nakakuha ng Cannes Film Festival award for Best Actress for the movie “Ma’ Rosa” na pinamahalaan ng kaisa-isang Filipinong nanalo ng Best Director mula Cannes Film Festival na si Brillante Mendoza.

Ang Honorary Distinction Award for Jaclyn ay tinanggap ng kanyang panganay na anak, ang Siargao-based actress na si Andi Eigenmann na naging emotional sa pagtanggap ng parangal para sa kanyang ina. She was accompanied to the event ng kanyang fiancé, ang surfer champion na si Philmar Alipayo.

Ang Kapuso prized singer-actor, celebrity endorser and entrepreneur na si Alden Richards ang tumayong host ng parangal. Kasama naman sa mga guest performer sina Bituin Escalante, Aicelle Santos, Gian Magdangal at iba pa.

Ang 2024 Parangal ng Sining ng FDCP ay ang kauna-unahang major event ng ahensya sa ilalim ng bagong talagang Chairman and CEO na si Direk Joey Javier Reyes.

Patricia pinatunayang legit ang chiropractic clinic nila ni Doc Rob

Rob1RobINAMIN ng singer, actress, dating beauty queen at successful entrepreneur na si Patricia Javier na never umano niyang inakala na sa San Diego, California, USA umano niya makikita ang kanyang `the one’ na si Doc Rob Walcher na isang matagumpay na American chiropractor and businessman.

In their almost two decades bilang couple, never in-imagine ni Patricia na magki-click sila ng kanyang mister lalupa’t nagmula sila sa magkaibang bansa at kultura. But love conquers all, so they say.

It was in November 2014 nang mag-desisyon ang mag-asawang Patricia and Doc Rob na mag-relocate ng Pilipinas kasama ang dalawa nilang maliliit pang mga anak na sina Robert at Ryan. Kung iisipin, it was a major decision sa part ng couple na makipagsapalaran sa Pilipinas when at that time ay hindi pa gaanong aware ang publiko tungkol sa chiropractic care and wellness. But six months after they arrived in the Philippines ay binuksan ng mag-asawa ang kanilang unang Doc Rob Chiropractic Wellness Clinic in Quezon City and they are now celebrating their 10th anniversary with five more branches in Makati, Alabang, Bacoor, Cavite, Angeles City (two branches) and counting.

“God is good!” pahayag ni Patricia.

“Sa awa ng Diyos, we’re looking at putting up other branches sa iba pang lugar,” natutuwa niyang pahayag sa isang get-together with the members of the media and vloggers to celebrate the 10th anniversary ng kanilang clinic.

Through the years, patuloy din ang medical and wellness mission ng mag-asawang Patricia at Doc Rob para sa mahihirap, their own way of sharing their blessings.

Dahil sa pagiging successful ng anim na clinic nina Doc Rob at Patricia, hindi rin sila ligtas sa mga intriga na kesyo wala umano silang license to operate the business here bagay na kanila lamang ipinagkikibit-balikat dahil legal ang kanilang operation. Ang license ng anim nilang chiropractic clinic ay nagmumula sa Philippine Institute of Traditional Alternative Health Care (PITAHC) under the umbrella ng Department of Health (DOH).

Next year ay ise-celebrate ng mag-asawa ang kanilang 20th wedding anniversary together with their two sons na sina Robert (17) at Ryan (12).

Kung si Patricia ang tinanghal na Noble Queen of the Universe nung 2019, ang kanilang panganay ni Doc Rob na si Robert ay tinanghal na Mr. Teen International in Bangkok, Thailand nung nakaraang taon. Pinasok na rin nito ang showbiz just like his mom.

AUTHOR PROFILE