Angelica

Pagkakaibigan nina Angelica, Kim at Bela kakaiba

April 22, 2024 Aster Amoyo 140 views

KAKAIBA talaga ang pagkakaibigan nina Angelica Panganiban, Kim Chiu, Bela Padilla at ang Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro.

Sina Kim at Bela ay dalawa sa mga kaibigan ng Kapamilya star na si Angelica ang dumalo sa kanilang intimate civil wedding in Los Angeles, California, USA nung December 31, 2023 na siya ring nagbigay ng pagkakataon kina Kim at Bela na madalaw ang isa pa nilang kaibigan, ang maysakit na si Kris Aquino sa kanyang rented house in Orange County, California.

Si Bela ay lumipad pa galing London kung saan ito naka-base habang si Kim ay galing Pilipinas.

Kung hindi man nakarating si Glaiza sa L.A. wedding ng kanyang bestie, she made sure na present siya sa beach wedding nina Angelica at Gregg Homan in Siargao nung nakaraang April 20, araw ng Sabado na dinaluhan din ng iba pang malalapit na kaibigan ng mag-asawa.

Although dalaga pa pareho sina Bela at Kim, masayang-masaya ang dalawa para kay Angelica at sa husband nitong si Gregg ganoon din sa kanilang first born na si Amila Sabine or Baby Bean na kanilang inaanak sa binyag.

Kasama ni Bela na dumalo sa beach wedding nina Angelica at Gregg ang kanyang Swiss-Italian boyfriend na si Norman Bay. Loveless naman sa ngayon si Kim matapos ang break-up nila ng kanyang boyfriend of 12 years na si Xian Lim. Pero nali-link ito ngayon sa kanyang co-star sa tumatakbo nilang serye, ang “Linlang” at ang Philippine adaptation ng Korean TV series na “What’s Wrong with Secretary Kim” na si Paulo Avelino. Nariyan din ang “It’s Showtime” searchee ng “EXpecially for You” winner, ang young lawyer from Cebu City na si Atty. Oliver Moeller na interesado umano sa kanya being a kababayan.

Wish ni Angelica na mag-asawa na rin ang dalawa sa kanyang mga younger besties na sina Kim (34) at Bela (33) dahil masaya umano ang may sariling pamilya.

Andi tinanggap ang parangal para kay Jaclyn

AndiAndi1Andi2PLANO sana ng engaged couple na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na magpakasal this year pero dahil sa maagang pagkawala ng ina ni Andi, ang award-winning actress na si Jaclyn Jose na sumakabilang buhay nung nakaraang March 2, 2024 sa edad na 60, gusto nila itong i-push back to a later date kahit nung December 20, 2020 pa sila engaged.

Nalulungkot lamang si Andi na hindi na umano mawi-witness ng kanyang ina ang kanilang pag-iisang dibdib ni Philmar na siyang ama ng dalawa niyang anak na sina Lilo at Koa. Ang Viva actress ay may isa pang anak, ang kanyang panganay na si Ellie sa actor na si Jake Ejercito.

Sa recently concluded na “Parangal ng Sining” ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), si Andi ang tumanggap ng Honorary Distinction award na iginawad sa kanyang yumaong ina. Sinamahan si Andi sa nasabing parangal ng kanyang fiancé na si Philmar na unti-unti na ring nai-expose sa showbiz world.

Naging emotional si Andi nang kanyang tanggapin ang parangal para sa kanyang ina na siyang kauna-unahang Southeast Asian Actress na nakapag-uwi ng Best Actress mula sa Cannes Film Festival in 2016 para sa pelikulang “Ma’ Rosa” na pinamahalaan ng premyadong director na si Brillante Mendoza na siya ring kauna-unang Filipino director na nanalo ng Best Director trophy mula sa nasabing body para sa pelikulang “Kinatay” nung 2009.

Samantala, umaasa ang mga followers ni Andi na sana’y patuloy pa rin itong maging aktibo sa kanyang acting career kahit sa Siargao na siya naka-base.

Chavit at Pacquiao balik ang pagkakaibigan

ChavitChavit1HALOS isang taon ding nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan sa pagitan ng successful businessman at dating gobernador ng Ilocos Sur na si Luis `Chavit’ Singson at ang Filipino retired boxing hero at dating senador na si Manny Pacquiao na nangyari nung taong 2021. Pero sa 44th birthday ni dating Sen. Manny ay inimbitahan niya si former Ilocos Sur governor sa kanyang kaarawan na pinaunlakan naman ng huli. `Yun ang simula ng pagiging magkaibigang muli ng dalawa. Kataunayan nung nakaraang Sabado, April 20 ay lumipad patungong South Korea ang magkaibigan sakay sa private plane ni Gov. Chavit. Maraming mga negosyo si Gov. Chavit sa South Korea at kasama na rito ang entertainment industry kaya marami siyang kaibigan ng mga kilalang personalidad doon at kasama na rito ang superstar na si Lee Seung-gi na dumalaw na rin sa kanyang Baluarte at Narvacan mansion in Ilocos Sur.

Since maraming jeepney operators at drivers ang mawawalan na ng kani-kanilang prangkisa na hindi sumali sa kooperatiba after the deadline na April 30, papasukin na rin ng negosyanteng si Gov. Chavit ang mass production ng modern jeepney na ibebenta niya half the price ng kuha ngayon sa mga ibinebentang modern jeepneys para mas affordable ito sa mga operators ng kooperatiba. The parts will be manufactured in South Korea pero sa Pilipinas ito ia-assemble para makapagbigay ng hanapbuhay sa mga Filipino. Nag-produce ang kumpanya ni Gov. Chavit ng proto-type modern jeepney based on the specs and requirements ng LTFRB at kapag ito ay pumasa at naaprubahan ay saka sila magma-mass produce.

In South Korea ay meron ding manufacturing ng steel bars si Gov. Chavit at iba pang mga negosyo na ang pamahalaan ng South Korea ang kanyang ka-deal. Ito rin ang dahilan kung bakit madalas ang punta ng South Korea ng dating politician

Unknown to many, hindi na rin halos mabilang ang mga scholars na tinulungan ni Gov. Chavit na nagmula sa iba’t ibang lugar. If his scholars are able to maintain their good grades ay tinutulungan niya ang mga ito hanggang sa kanilang pagtatapos ng kolehiyo. This is his own way of giving back and sharing his blessings laluna sa mga nangangailangan.

Ang kanyang 100 hectares na Baluarte in Vigan, Ilocos Sur ay kasama na ngayon sa mga dinarayo ng mga turista in the North na sa loob ng 24 years ay walang bayad ang entrance. Nagkaroon lamang umano ito ng entrace fee recently sa pakiusap na rin ng mga taong nagpapatakbo ng Balauarte na sa kanila rin napupunta.

Bukod sa zoo at live animal show sa loob ng Baluarte, meron na ring hotel at villas sa loob nito kung gusto ng mga turista na mag-stay roon ng ilang araw para makapamasyal at makapag-relax.

Sa Baluarte kinunan ang maraming eksena ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin na inabot ng ilang buwan at libre ang kabilang pagtira roon at gamit din ng serye ang kanyang mga sasakyan without charge.

Ang isa pang magandang proyekto na ongoing na ngayon ay ang construction ng “Little Seoul (Korea)” na matatagpuan sa Metrowalk in Ortigas Center, Pasig City.

Ang Vigan City at Narvacan na kanyang pinamunuan noon ay pareho nang progresibong lugar sa Norte.

Nakatulong din sa turismo ng Pilipinas ang kanyang pagdala rito ng 2017 Miss Universe at magpapatuloy ito kapag dito sa Pilipinas kukunan ang season 2 ng “Vagabond” TV series kung saan isa si Lee Seung-gi sa mga lead stars.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press ng bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo.

AUTHOR PROFILE