Tiktok3

TIKTOK STAR OF THE DAY

April 20, 2024 People's Tonight 70 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok4KABOGERA kung umawra sa harap ng camera ang TikTok star na si Marjorie Jimenez o kung minsan ay kilala ng kanyang followers bilang “Marjie.”

Patok ang kanyang mga lip syncing video. Todo kung ibandera niya ang kanyang gandang Pinay sa mga contents.

Sa TikTok account niyang @itsmemarjie_ na may higit 80 thousand followers, game na game maki-join ang social media star sa mga viral sounds at challenges.

Masisilayan naman sa Instagram account ni Marjorie na @itsmemarjie_ ang kanyang taste sa pananamit at pasabog na mga selfie. Winner din ang kaseksihan ng TikTok star at ang ebidensya nito ay nasa kanyang mga bikini photos.

Kering-keri din ni Marjorie ang pag-arte, sa katunayan ay naitampok na siya sa isa sa mga palabas sa Vivamax.

Patuloy na nakikilala ang ngalan ni Marjorie sa iba’t ibang porma sa entertainment industry. Umaagos din ang suporta sa kanya ng mga followers kung saan inaabangan kung anong pakulo ang ihahain niya sa kanila.

AUTHOR PROFILE