Nina

TIKTOK STAR OF THE DAY

April 16, 2024 People's Tonight 89 views

Nina1Nina2Nina3Nina4PAMATAY man ang kanyang killer body, mabubuhayan ka naman sa mga nakakaaliw na contents na ibinibida ng ating TikTok star ngayon na si Ñina Mellisa Baylon.

Kering-keri niyang makipagsabayan sa sayawan kasama ang kanyang mga kaibigan sa mga viral dance challenge. Maging sa pag-awra habang nagli-lip sync sa mga kilalang kanta ngayon, hindi iyan aayawan ni Ñina. Pati nga sa mga nakakatawa niyang content ay panalo kung ibandera ng dalaga ang kanyang karisma at personality. Ang lahat ng ito ay matutunghayan sa TikTok account niyang @nyangbaylon.

Isang freelance model si Ñina kaya ang kanyang Instagram account na @nyangbaylon ay punong-puno ng photoshoots ng dalaga.

Kabogera sa paseksihan ang social media star. Angat na angat ang perpektong hubog ng katawan at ganda ng mukha nito sa mga larawang kanyang ibinabalandra.

Ang bikini lifestyle ni Ñina ay mabenta rin sa mga male followers niya, mababakas ang pagiging modelo ng bebot dahil sa kakinisan ng balat nito at ganda ng kurba.

Unti-unti nang nakikilala si Ñina sa mundo ng social media at patuloy pang magniningning ang kanyang ngalan para makasabay sa mga bigating stars sa TikTok platform.

AUTHOR PROFILE