Jerome

Third party sa breakup, dinenay ni Jerome

September 6, 2023 Vinia Vivar 279 views

Ikinalungkot ni Jerome Ponce na biktima siya ng fake news at maling akala ng mga tao sa hiwalayan nila ng vlogger na si Sachza Laparan.

Sinasabi kasing third party ang dahilan ng breakup at nag-cheat siya sa girlfriend.

“Hindi ko alam kung nakakaapekto sa work ko ‘yung breakup ko kasi lahat ng tao, ang pangit na ng tingin nila sa akin, eh,” sey ni Jerome nang makatsikahan ng entertainment press sa mediacon ng bago niyang digital series na “Safe Skies Archer.”

Nilinaw niyang hindi totoo ‘yung girl na nili-link sa kanya at sinasabing third party.

“At some point siguro, may kasalanan din ako, lagi mo dapat aalamin, ‘yun eh. Pero I would say na wala ‘yun at hindi totoo ‘yung lumalabas na isyu na ‘yun.

“Nagpa-picture lang ‘yung girl sa akin, tapos sabi third party na, so it’s so sad na ganu’n ‘yung tingin nila sa akin,” paliwanag ng aktor.

Ano ang natutunan ni Jerome sa naging past relationship nya?

“Siguro ang learning ko sa mga magiging susunod na relationship ko, mas kailangan ko lang ng right way of handling the problems,” he said.

At sa tanong kung ready na ba siyang ma-in-love muli, mabilis na sey ng aktor, “No, no! Definitely no! Siguro after two years pwede na uli, ‘yun ‘yung nasa isip ko.”

Dagdag pa niya, “Kasi ang problema sa akin, madali ako ma-fall sa isang tao kaya kailangan kong magbigay ng wall para ‘di magmadali.”

Samantala, sa “Safe Skies, Archer” ay makakatambal ni Jerome ang dating GirlTrends member na si Krissha Viaje.

Kasama rin sa serye ang iba pang naging cast members ng “The Rain in España” sa pangunguna nina Heaven Peralejo at Marco Gallo.

Magsisimula itong ipalabas sa Viva One ngayong Oktubre.

AUTHOR PROFILE