Alex Larawan: Alex Gonzaga/IG

Alex binalikan ang pagiging Taytay girl

September 6, 2023 People's Tonight 208 views

BINALIKAN ng aktres at social media influencer na si Alex Gonzaga ang kanyang simpleng buhay noong bata pa lamang sila ng kanyang kapatid na si Toni Gonzaga.

Sa kanyang Instagram post nitong Martes, Setyember 5, ibinahagi niya ang mga larawan nilang dalawa ni Toni kung saan makikita ang kanilang glow up sa karera at sa buhay.

“Looking at our old pictures and reminiscing the time na wala pa social media. These are your simple taytay girls using their dad’s film camera for a selfie thinking they can have a shot in show business,” caption nito sa kanyang post.

Sey naman niya sa netizens, na may parating pagkakataon na mag-grow sa anumang bagay. Dagdag pa ng aktres, sobrang proud siya sa kanyang ate Toni, na isa sa mga successful TV-host at aktres.

“You can always glow up and live your dream anuman ang pinagsimulan mo. Love you ate and I am proud of how we started as a family,” aniya,

AUTHOR PROFILE