Default Thumbnail

Team Tonyboy Roman at Jon Arizapa, magandang kumbinasyon sa lingkod-bayan

February 17, 2024 Christian D. Supnad 136 views

ORANI, BATAAN– Ang “Team Tonyboy Roman at Jon Arizapa” ay isang magandang team para sa lingkod-bayan dahil subok na silang tumutulong at naglilingkod sa taumbayan.”

Ito ang pahayag ni Provincial Consultant Guding Ferrer na dating mayor at naging bokal sa Bataan.

Sinabi ni Ferrer na si Bokal Tonyboy Roman, na isang abugado, ay matalino, matulungin at tunay siyang lingkod -bayan samantantalang si Antonio “Jon” Arizapa, Jr. na negosyante ay balitang balita na sa boung lalawigan partikular na sa kanyang bayan na Orani, na tumutulong sa mga kapus-palad, estudyanteng mahihirap, mangingisda, magsasaka, manggagawa at iba.

Bagamat isa siyang pribadong indibidwal, si Arizapa ay aktibong tumutulong din pag nagkakaroon ng kalamidad, bagyo, lindol, pagbaha at ipa pa.

“Lalo na sigurong makakatulong ng malaki si Jon Arizapa kung magiging mayor na namin dito sa Orani,” anang mga kapitan na nakapanayam ng writer na ito.

Sinabi ng mga kapitan na ngayon lang silang nakakita ng pribadong tao gaya ni Jon Arizapa na aktibong nagbibigay ng kusang tulong sa mga mahihirap lalo na pagdating sa kalamidad.

Marami ring pinag aaral si Arizapa na mahihirap na pamilya sa Orani.

Bagamat mahigit isang taon pa bago magkaroon ng lokal election, matunog na matunog na ang pangalan nina Tonyboy Roman at Jon Arizapa na magiging congressman ng 1st at mayor ng Orani at sinabi ng mga political observers na kundi man landslide victory ang panalo ng dalawa ay baka magiging unopposed pa sila.