Judges

Tambalang Alden-Bea, ligwak man sa pelikula, tuloy naman sa telebisyon

July 12, 2023 Jun Nardo 312 views

MABIGAT na ang judges, mabigat pa ang labanan sa upcoming GMA show na Battle of the Judges simula July 15.

Bakbakan ang apat na napiling judges na sina Annette Gozon-Valdez, Boy Abunda, Bea Alonzo at Jose Manalo.

Tapos, si Alden Richards pa ang host.

Aba, balitang gumagastos ang judges para sa kanilang alaga. Matindi ang kumpetisyong daraaan nila dahil mula sa 24 squad members, magiging 12 na lang at anim na battles ang daraanan para sa Ultimate Level ng tatanghaling Ultimate Champion.

Kapansin-pansin sa Battle of Judges na hindi man natuloy ang movie nina Alden at Bea dahil sa conflict of schedules, magkasama naman sila sa iisang show, huh!

AUTHOR PROFILE