Janella

Janella, diretsahang inamin ang pagka-dismaya sa catalogue

July 12, 2023 Jun Nardo 327 views

DISMAYADO nga si Janella Salvador dahil umano sa kawalan ng importansiya sa kanya ng Star Magic sa Star Magic Catalogue na inilabas kamakailan.

Sa mga nakakita ng catalogue, wala si Janella sa litrato sa unang pahina nito. Pero may pahina naman daw na inilaan para sa kanya.

Naging sanhi ang sentimiyento ni Janella upang maging trending siya sa Twitter. Hindi naman niya ipinagkaila ang disappointment niya nang magbigay ng mensahe sa kasama namin sa Marites University na si Jhai Ho.

Sa ganang amin, magpasalamat na lang si Janella dahil nakasama pa siya sa catalogue at hindi siya niligwak!

Dapat niyang alalahanin na may anak na siya at tila malabo pa ang relasyon nila ng ama ng anak na si Markus Patterson. Hindi na clean ang kanyang image, huh!

Iba na ang image ni Janella. At ang catalogue na ginawa ay madalas ibinibigay sa advertisers para display window ng inilalakong artists.

Siyempre, gusto ng advertisers na maganda ang image ng endorsers nila.

Maybe in the future, ‘pag pang-mother na ang produkto, makukuha rin si Janella.

Gone are her days na maganda ang image niya. Kaya pasalamat na lang siya at nagkaroon pa siya ng espasyo sa catalogue.

’Wag nang mag-inarte!

AUTHOR PROFILE