Default Thumbnail

Takbo Malasakit nakakasa na sa Orion

February 27, 2024 Christian D. Supnad 147 views

ORION, Bataan–Handa na ang fund raising campaign ng “Bulabog Malasakit,” isang non-profit, non-government organization sa Bataan.

Ayon kay Engr. Jhun Retuta Lachica ng barangay Gen. Lim, Orion, pwdeng sumali ang lahat sa Takbo Malasakit para magkaroon ng “positive change in the community.”

“Sa pagyakap natin sa diwa ng malasakit at pagkakaisa, inaanyayahan po naming kayong makiisa sa isang kaganapan na puno ng kasiyahan at layunin–ang “Takbo Malasakit” Fun Run.

Isang masayang pagtakbo na hindi lamang magbibigay saya sa ating mga katawan, kundi higit sa lahat ang magdala rin ng positibong pagbabago sa ating komunidad,” ani Engr. Lachica.

Lahat pwedeng nag-register online sa https://forms.gle/BFRdk2EG6MUVdvHq9, ani Lachica.

Kilala si Lachica sa Bataan dahil sa charitable acts.