Crime

SUV driver na namaril hina-hunting ng QCPD

October 27, 2023 Melnie Ragasa-limena 227 views

PINAGHAHANAP na ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver ng sports utility vehicle na walang habas na nagpaputok noong Biyernes sa Brgy. Tatalon, Quezon City.

Nabatid na dakong alas 2:52 ng madaling araw nang makatanggap ng tawag ang QCPD-Station 11 hinggil sa pagpapaputok ng baril ng driver ng itim na SUV habang binabaybay ang G. Araneta Avenue, Brgy. Tatalon, Quezon City.

Ayon sa ilang bystanders, papuntang EDSA ang SUV.

Mabilis na rumesponde ang Mobile 611 Supercar, Hilux 37 at 611 Riders ng PS-11, QCPD pero hindi na rin nila nakita ang sasakyan at hindi rin nakilala ang suspek.

Sinabi ng pulisya na delikado ang ginawang pagpapaputok ng suspek dahil maaring may tamaan na inosenteng tao.