Purisima Kinakausap ni P/Maj. Rommel Purisima ang suspek sa kasong acts of lasciviousness matapos madakip sa isang sugalan sa North Harbor Tondo, Maynila. Kuha ni Jon-jon Reyes

Suspek sa pang-aabuso ng menor de edad noong 2011 timbog

October 26, 2022 Jonjon Reyes 740 views

WALA nang nagawa at hindi na nangatuwiran pa ang isang 50-anyos na lalaking suspek matapos mabuking ito na may nakabinbing kasong “act of lasciviousness” sa San Jose Del Monte Bulacan, may 11 taon na ang nakakaraan, matapos maaresto sa sa ilegal na sugal nitong Oktubre 22 sa Pier North Harbor sa Tondo, Maynila.

Batay sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District (MPD), bandang 4:00 ng hapon nang ihain ang arrest warrant sa kanila mismong piitan kung saan nakalagi ang suspek.

Nabatid sa report ng pulisya, habang pinoproseso ang mga dokumento ng mga nahuli sa “cara y cruz” sa Pier nitong Okt. 23, kabilang ang akusado, sa kasong Republic Act 1602 at nadiskubreng may standing warrant of arrest dito sa nasabing kaso, noon pang 2011 sa San Jose Del Monte Bulacan.

Ang warrant of arrest ay inisyu ni Presiding Judge Pelagia Dalmacio Joaquin ng MTCC, Branch 1 ng San Jose Del Monte Bulacan, at nabatid na ang biktima nito ay nasa 12-anyos pa lamang noon at may piyansang P12,000.

Dahil dito pinuri at pinasalamatan ni MPD Director Brig. Gen. Andre P. Dizon ang grupo ni Purisima at tauhan nito sa maagap at masusing paghuli sa mga akusado.

AUTHOR PROFILE