Default Thumbnail

Suspek sa pamamaril sa Balara timbog

June 21, 2022 Melnie Ragasa-limena 280 views

INIULAT ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Brig. Gen. Remus B Medina, ang pagkaaresto ng isa sa mga suspek na sangkot sa pamamaril ng isang babae sa Bgy. Old Balara, Quezon City.

Kinilala ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa pamumuno ni P/Lt. Col. Mark Julio Abong, ang suspek ay residente ng Luzon Ave., Bgy. Old Balara, Quezon City.

Ayon sa report, dakong ika-8:00 ng gabi noong Hunyo 17, 2022, habang naglalakad ang biktima na si Angieneth Ferrer kasama ang kanyang kapatid na babae sa Bgy. Old Balara ay nakita nila ang dalawang suspek na nag-uusap.

Itinuro ng naarestong suspek ang biktima habang lumapit ang kasama nitong suspek sa kanila at bigla na lamang nitong nilabas ang kanyang baril at pinapaputukan ang biktima na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay.

Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek.

Agad na nagsagawa ng follow up investigation ang mga tauhan ng Batasan Police Station (PS 6) sa pamumuno ni P/Lt. Col. Abraham Abayari na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek na sangkot sa pamamaril.

Isang manhunt operation naman ang ikinasa laban sa bumaril na suspek upang agarang maaresto.