Default Thumbnail

Suspek sa pagpugot ng ulo ng sekyu tukoy na

January 22, 2024 Melnie Ragasa-limena 252 views

TUKOY na ng pulisya ang mga suspek pamamaslang at pamumugot ng ulo sa security guard ng Ford Balintawak noong araw ng Pasko, Disyembre 25, 2023 sa Quezon City.

Itinuturong suspek sina Michael Caballero at Jomar Ragos katrabaho ng biktimang Alfredo Valderama Tabing, 50, ng 1277 Sevilla Extension, Barangay 46 Zone 3, Tondo, Manila na natagpuang walang ulo sa kanyang puwesto sa nabanggit na car showroom.

Lumilitaw na plinano umano ng mga suspek ang pagnanakaw kung saan tinangay ang isang vault na naglalaman ng P3.6 milyon.

Nalaman umano ng mga suspek na nakabenta ang kanilang pinagtatrabahuhang ng sasakyan kaya plinano ang pagnanakaw.

Posibleng nakilala ng biktima ang kanyang mga kasamahan at sinita kaya pinatahimik at pinugutan ng ulo.

Matapos ito ay agad na tumakas ang mga suspek.

Nakikipag-ugnayan na ang QCPD CIDU sa LGU kung saan pinaniniwalaang nagtatago ang mga suspek.

Umaapela naman ang misis ng biktima sa mga suspek na harapin ang kanilang kaso lalo pat itinuring nila malapit na kaibigan ang mga suspek.