Posas

Suspek sa pagpatay laglag sa parak

April 20, 2024 Jonjon Reyes 44 views

NALAMBAT ng mga pulis ang isang 38-anyos na suspek sa pagpatay sa Bougainvilla St., Tondo, Manila noong Sabado.

Nakilala ang suspek sa alyas Mac Mac Bordado, walang trabaho, ng naturang lugar.

Bandang alas-11:00 ng umaga ng maaresto ang suspek sa harap ng kanilang bahay.

Nabigla ang suspek ng posasan sa bisa ng warrant of arrest na insyu ni Judge Antonio Olivete, presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 267 ng Taguig City.

Walang piyansang inilaan para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

AUTHOR PROFILE