Default Thumbnail

Delivery boy, PWD nalitson sa sunog

April 20, 2024 Edd Reyes 61 views

DALAWA ang nalitson ng buhay, kasama ang isang person with disability (PWD), sa magkahiwalay na sunog sa Caloocan at Valenzuela noong Biyernes.

Namatay ng ma-trap sa loob ng nasunog na tindahan ng liquefied petroleum gas (LPG) ang 25-anyos na delivery boy na si alyas Mories na umano’y senglot ng mangyari ang sunog.

Sugatan naman si Alejandro Lalata na residente ng isa sa tatlong bahay pang nasunog sa Caloocan.

Naapula ang apoy pasado ala-1:00 ng madaling araw noong Biyernes at tumupok sa tinatayang P150,000 halaga ng ari-arian..

Dakong alas-9:45 naman ng Biyernes ng gabi sumiklab ang sunog sa Sitio Cabatuhan, Brgy. Gen. T. De Leon sa Valenzuela City na ikinasawi ng 54-anyos na PWD na na-trap din sa nasunog nilang bahay.

Nakuhanan ng video ang malalakas na pagsabog at pagputok ng mga kable na dahilan ng paglaki ng apoy bago tuluyang maapula ng alas-10:21 ng gabi.

Ayon sa ilang residente, tinangka pang iligtas ng mga barangay tanod ang nasawing biktima pero mabilis na lumaki ang apoy sa bahay kaya hindi nakapasok ang mga maglililigtas.

Nahirapan ding pumasok ang mga bumbero sa lugar dahil sa kapal ng mga tao sa paligid.

AUTHOR PROFILE