Default Thumbnail

Suspek pagpatay sa lolo driver inginuso ng CCTV

December 12, 2021 Francis Naguit 307 views

DAHIL sa isinagawang follow-up operation ng Manila Police District, natunton sa mga kuha ng Closed Circuit Television ( CCTV) mula sa crime scene ang gunman at pinsan nito na pumatay umano sa 63-anyos na pedicab driver sa Malate, Manila.

Unang nadakip ang suspected gunman na si Raymond Dela Cruz, 41, vendor, may ka live-in, ng 556 Jay Luna St., Brgy.128 – Zone 12, Pasay City.

Sumunod ang isang Rodrigo Dela Cruz, na pinsan ng unang suspek.

Ayon sa ulat nina Det. Jason Ibasco at Det. Rodolfo Acosta lll, ng MPD- Homicide Section, bandang 3 p.m. nitong December 9 nang matimbog si Raymond habang nakatayo sa harap ng kanilang bahay na naka-sling bag na kulay asul.

Nakuha ang isang kalibre 38 baril mula sa suspek

Ang pinaslang na biktima ay nakilalang si Danilo Florida, may asawa, ng 996 P. Ocampo St., at Arellano St., sa Malate.

Isang impormante at ang kapatid na si Alfredo Florida ang naging saksi sa krimen.

Pinangunahan ni P/ Lt. Adonis Aguila, hepe ng MPD-Homicide Section, ang pag-aresto sa dalawang suspek.

Matatandaang bandang 8 p.m. ng Lunes nang maganap ang pamamaril sa biktima sa Dominga St. malapitsa panulukan ng P.Ocampo St.

Ayon sa saksi, umihi ang isa sa suspek sa pinapasadang sidecar ng biktima.

Sinita umano ito ng biktima sanhi na bumunot umano ng patalim ang suspek,

Ilang saglit ay bumalik ang suspek kasama na ang gunman at binaril umano ang biktima.

Nagtulong tulong ang ilang tambay sa lugar, na maisugod sa nasabing ospital ang biktima ngunit hindi na ito umabot nang buhay.

Sasampahan ang gunman ng kasong paglabag sa Republic Act ( R.A ) 10591 (illegal possession of firearm and ammunition). Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE