Default Thumbnail

MC taxis sagot sa matinding trapik

December 12, 2021 People's Tonight 216 views

DAHIL sa unti unti na ang pagluwag sa alert status dulot ng pandemya, ramdam na muli ang matinding trapik sa Metro Manila.

Subalit, hindi pa rin ligtas ang bawat isa sa banta ng COVID-19 na posibleng mahawa dahil sa siksikan na naman sa mga pampublikong sasakyan.

Isang solusyon dito, ang tuluyang ng pagpasa ng Senate Bill No. 1341 o The Motorcycles-for-Hire Act na nabinbin na sa ikalawang pagbasa sa Senado.

Mismong si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na ang nagsabi na hayaan ang mga motorcycle taxi na bumiyahe dahil hindi lamang malaking tulong ito sa mga commuter kundi magbibigay pa ito ng trabaho na walang pondong kailangan ilabas ang gobyerno.

“This is one job-creating public service that will not cost the government a single centavo,” giit ni Recto .

Tinukoy din nito, makakatulong pa ang motorcycle taxi sa pamahalaan bukod sa pagbibigay ng trabaho sa drivers, COVID free at mababawasan pa ang trapik.

Kaya ang panawagan na ipasa na ang MC for hire bill at buksan sa lahat ang prangkisa para sa lahat.

Sa kasalukuyan, tanging Joy ride,Angkas at Move it lamang ang nabigyan ng pagkakataon na bumiyahe na kasama sa pilot project na isa sa magiging batayan ng panukala.

Naistrapuwersa ang Grab na kung saan ay umaangal ang mga driver nito na nagnanais din na makapagtrabaho.

“Walang silang hinihinging Christmas bonus. Ang simpleng hiling ay makapasada muli, para hindi mapait na Paskong tuyo ang kanilang sasapitin,” ayon sa senador.

Nauna rito, mayroong 16 senators na ang lumagda sa Committee Report No. 46 ng Senate Bill No. 1341 na naglalayong payagan ang paggamit ng motorcycle taxis sa buong bansa para ihatid ang mga pasahero sa kanilang pupuntahan.

AUTHOR PROFILE