Binondo Iniharap ni PLt.Eric Casuncad (kaliwa) kay PLt.Col.Rexson Layug ang dalawang naka pulot ng halos P1 milyong piso na nahulog mula sa isang Custom processor sa panulukan ng Muelle Del banco Binondo Manila. Agad namang naisoli sa may-ari ang halaga ng MPD Binondo Police Station 11.

Super heroes

October 20, 2022 Jonjon Reyes 615 views

Pulis Binondo tumulong makita, maisoli P.9M na nahulog mula sa lalaki

MISTULANG naging superheroes at di tumigil ang mga kapulisan ng MPD Binondo Police Station 11 hanggang hindi naisoli ang halos P1 milyon na nahulog mula sa isang Custom processor habang lulan ng kanyang motorsiklo sa Binondo, Manila nitong Martes ng umaga.

Ayon kay Police Lieutenant Rexson Layug, Station Commander ng Manila Police District -Binondo Miesic PS-11, nahulog ang eco0bag na naglalaman ng P981,420 mula sa isang nagngangalang Christopher habang sakay ito ng Honda Click sa bahagi ng Muelle Del Banco, International sa Binondo.

Agad nagreport sa tanggapan ni PLt.Col.Layug ang biktima.

Sa pamamagitan ng backtracking ng mga tauhan ng MPD sa pamumuno ni PLt.Eric Casuncad, hepe ng Gandara PCP, naisoli ang pera sa nasabing Customs processor.

Nabatid sa report ng pulisya, isang istambay ang nakapulot sa eco-bag.Hindi na nito tiningna ang laman at inabot ito sa isang tricycle driver sa pag-aakalang mula dito nahulog ang eco-bag.

Nakita ng tricycle driver at pasahero nito na pera ang laman ng eco-bag at napagpasiyan nilang paghatian ang malaking halaga.

Subalit dahil sa walang sawang pagtatanong at paghahanap ng mga kapulisan sa pamumuno ni PLt.Casuncad at sa walang tigil na backtracking ng mga kapulisan ay natunton ang kinaroroonan ng tricycle driver.

Isinoli ng tricycle driver ang P496,420. Isinoli namanng pasahero nito ang P485,000 sa himpilan ng MPD Station 1 sa Binondo.

Pinuri ni MPD Director Police Brig.Gen.Andre P. Dizon ang mga kapulisan ng Binondo PS-11 dahil sa kanilang kasipagan at katapatan sa kanilang mga tungkulin.

AUTHOR PROFILE