Connected

Star Magic, sumabak sa film production via ‘Connected’

July 11, 2022 Ian F. Fariñas 375 views

SUMABAK na sa film production ang Star Magic, talent and discovery arm ng ABS-CBN, sa pamamagitan ng Star Magic Studios.

Ang kanilang unang pasabog ay ang Connected, isang feel-good movie tungkol sa youthful romance.

Pinagbibidahan ito ng Pinoy Big Brother housemates na sina Amanda Zamora, Chico Alicaya, Gail Banawis, Ralph Malibunas, Kobie Brown at Andi Abaya kasama rin ang PBB host na si Richard Juan.

Dahil young romance ang tema, natanong kung sino sa Kapamilya loveteams ang hinahangaan nila.

KathNiel ang isinagot ni Andi.

Aniya, idolo talaga niya sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at hanga siya sa hard work ng dalawa.

“I love KathNiel. I would always watch their movies. Nadadala talaga ako sa story ng mga movie nila.

I’m inspired by how hard they work and how they put their all sa trabaho na ito kaya nakaka-inspire talaga sila,” paliwanag pa ng 20-year-old newbie.

Kwento ni Andi, bata pa siya’y pangarap na talaga niyang maging artista.

Nakagawa na rin siya ng mga commercial before pero mas na-connect daw niya ang sarili sa buhay-showbiz nang magkaroon ng unang pelikula, ang The Entitled, na mapapanood na sa Netflix sa July 29.

Ayon kay Andi, “Having to do that movie project, having to work with well-known stars really inspired me with how… they’re really passionate about their craft and I want to be passionate as well.

So, everyday, I continue to hone my skills, everyday I continue to prove to myself na kaya ko rin na maging magaling na artista.”

Released na ang official trailer at poster ng Connected na parte ng selebrasyon ng 30th anniversary ng Star Magic.

Sa ilalim ng direksyon ni Theodore Boborol, mapapanood ito simula July 22 sa KTX, iWantTFC, TFC IPTV Video on Demand at Sky Cable pay-per-view.

AUTHOR PROFILE