LTFRB

‘Standing’ passengers sa PUVs, puwede na sa Alert Level 1 areas

September 26, 2022 Jun I. Legaspi 293 views

PINAYAGAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga “standing passengers” sa loob ng ilang public utility vehicle (PUV) na bumibiyahe sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1.

Base sa Memorandum Circular No. 2022-070, tanging sa mga public utility bus (PUB) at modern public utility jeepney (MPUJ) Class 2 ang papayagan na magkaroon ng pasaherong nakatayo alinsunod sa mga sumusunod na kundisyon.

Low-Entry/Low Floor PUB – nasa 15 ang maximum na standing passenger ang papayagan, one-person apart ang pagitan.

Coach-type PUB – nasa sampu ang maximum na standing passenger ang papayagan, one-person apart ang pagitan.

MPUJ Class 2 – nasa lima ang maximum na standing passenger ang papayagan; one-person apart ang pagitan.

Ang polisiyang ito ay alinsunod sa utos ng Department of Transportation (DOTr) upang magamit nang husto ang mga espasyo sa mga sumusunod na pampublikong sasakyan nang hindi labag sa public health safety protocols.

Sa kabila niyan, istriko pa rin ang pagpapatupad ng minimum public health safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Pinapaalala ng LTFRB sa mga PUV driver at operator na laging sundin ang mga polisiya at alituntunin ng ahensya. Ang sinumang mahuling lumalabag sa mga ito ay papatawan ng karampatang paruso alinsunod sa mga kundisyon ng kanilang Certificate of Public Convenience (CPC) at Joint Administrative Order 2014-01.

AUTHOR PROFILE