Speed

SPEEd nag-outreach program sa ika-walong anibersaryo

July 10, 2023 Ian F. Fariñas 197 views

PARA sa mas makabuluhang pagdiriwang ng ika-walong anibersaryo ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), muling nagsagawa ang grupo ng outreach program nitong nagdaang Biyernes, July 7.

Dumalaw at nagbigay ng donasyon ang SPEEd, sa pangunguna ng presidente nitong si Eugene Asis (People’s Journal), kasama ang iba pang opisyal at mga miyembro nito, sa dalawang charitable institution sa Bulacan.

Unang binisita ng grupo ang Bethany House Sto. Niño Orphanage sa Guiguinto na nag-aalaga at nagbibigay-proteksyon sa mga batang wala nang pamilya o kamag-anak.

May 30 kabataan ang naninirahan sa Bethany House Sto. Niño Orphanage na pinamumunuan ni Sister Emelita Cruz kasama si Sister Emerlita Luna mula sa Dominican sisters of St. Joseph.

Sila ang laging punung-abala sa pagtanggap sa mga taong nagnanais magpaabot ng tulong sa mga batang kinakalinga at pinag-aaral.

Kasunod nito, nagtungo ang SPEEd sa Emmaus House of Apostolate sa Malolos, Bulacan kung saan may 60 lolo at lola ang naninirahan at inaalagaan.

Bukod sa financial assistance, ilan pa sa mga naiabot na tulong ng grupo ay food and medical supplies, cleaning materials, vitamins, adult diapers at iba pang kagamitan sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Katuwang ng grupo sa SPEEd Outreach 2023 sina Rei Anicoche-Tan ng Beautederm at BlancPro, Cris Roque ng Kamiseta, Unilab Corporation at Pascual Laboratories.

Nagpapasalamat din ang grupo kina Manay Lolis Solis, Hon. Bulacan Gov. Daniel Fernando, San Miguel Corporation, Jollibee, Universal Robina Corporation, Mark Parlade at Rosbel Buñag ng Stratworks, Dee Chanco ng Maris Pure Water, Lotlot de Leon, Susan Joven, Wilson Flores ng Kamuning Bakery, Edd Fuentes, Lamoiyan Corporation at Colorete Clothing.

Ang SPEEd ay binubuo ng current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas.

AUTHOR PROFILE