Martin

Speaker Romualdez doble kayod pa sa trabaho

April 23, 2023 Ryan Ponce Pacpaco 283 views

TINIYAK Lunes ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na magdo-doble kayod pa siya sa pagtatrabaho upang makabuo ng mga batas na makatutulong para sa mga mamamayan.

“Dodoblehin pa natin ang pagtrabaho sa pamamagitan ng paggawa ng mga batas na makakabuti sa pamumuhay ng bawat Pilipino lalo na ang mga mahihirap,” pahayag ni Speaker Romualdez matapos sumirit pang 15 points ang satisfaction rating ng mga tao sa kanya.

Base sa pinakahuling Tugon ng Masa survey ng OCTA Research group nitong Marso lang, nabatid na nasa 59 percent na ang satisfaction rating ni Speaker Romualdez, habang lumundag ng 17 percent naman ang tiwala ng mamamayan sa kanya na nasa 55 percent na ngayon.

“Marami pang batas ang dapat naming gawin sa kongreso para guminhawa ang buhay ng mga Pinoy tulad ng sa trabaho, income, healthcare, edukasyon, pabahay, presyo ng bilihin, at iba pa”, ayon kay Romualdez.

“Maraming-maraming salamat sa inyong suporta. Pangako ko po na hindi ko po kayo bibiguin sa inyong tiwala. Lalo ko pa pa-iigtingin ang aking paglilingkod,” aniya.

Nagpasalamat din ang hepe ng Kongreso sa mga kasamahan sa pagpasa ng mga panukalang batas na kailangang-kailangan ng bansa lalo na ang national budget.

“I can’t do it alone. Malaking tulong po ng aking mga kasamahan sa kamara para mapabilis namin ang pagpapasa ng mga batas. To you my colleagues, thank you very much,” dagdag pa ni Romualdez.

Pahabol pa ni Speaker Romualdez, asahan daw ng sambayanan na tutulong siya sa mga proyekto at programa ni Pangulong Marcos para tuluyan ng makaahon ang bansa mula sa pagkalugmok dahil sa pandemya.

AUTHOR PROFILE