Nico

Solenn, walang pa-mysterious na drama ang pagbubuntis

July 4, 2022 Jun Nardo 307 views

BUNTIS sa second baby kay Nico Bolzico ang Kapuso host na si Solenn Heussaff.

Ang announcement ng second baby ang pasabog ni Solenn kahapon sa kanyang Instagram stories.

“Hello. 16 weeks. Back to daily injections for bub number 2,” saad ni Solenn matapos ipasilip ang kanyang baby bump.

Taong 2020 nang isilang ni Solenn ang unang baby na si Thylane.

At least, knows ng publiko ang ama ng ipinagbubuntis ni Solenn hindi gaya ng ilang celebs na preggy na pa-mysterious pa ang drama, huh!

PAGLALANTAD SA BABY NINA JENNYLYN AT DENNIS, INSTALLMENT

INSTALLMENT ang paglalantad nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa anak nilang babae.

Nang biglang manganak si Jen, lumipas muna ang ilang buwan bago nila ipasilip ang mukha ng kanilang anak.

Eh, nitong nakaraang araw, ang pangalan naman ng baby ang inilabas nila.

“Dylan” ang napili nilang pangalan.

Parang teleserye rin ang ibang detalye ng kanilang baby na dapat sundan ninyo sa kanilang vlog, huh!

For what? Naku, ano ba ang nakukuha sa vlog, eh, di… viewers and subscribers.

Alam naman ng lahat kung ano ang kapalit kapag maraming views at subscribers ang isang vlogger lalo na ’pag may channel sa YouTube, huh!

AUTHOR PROFILE