Heart

Heart at Hye Kyo may something in common

July 4, 2022 Aster Amoyo 398 views

NAGKITA at naging magkaibigan ang Kapuso singer-actress, entrepreneur, fashion icon at misis ni Sen. Chiz Escudero na si Heart Evangelista at ang Korean K-drama at K-movie star na si Song Hye-kyo sa gala dinner ng Chaumet, isang high-end jewelry brand in Paris.

Kung kilala na si Heart sa fashion world in Paris (and even New York), kilalang-kilala rin si Hye Kyo (40) dahil sa kanyang mga hit K-dramas tulad ng “Full House,’ “Descendants of the Sun,” “Autumn In My Heart,” “All In, “ “Now, We’re Breaking Up,” “That Winter,” “The Wind Blows,” at iba pa. Nakagawa rin siya ng ilang pelikula tulad ng “The Grandmaster,” “My Brilliant Life,” “The Queens” and more.

Nung 2017 ay pumasok siya sa Top 7 ng Power Celebrity List ng ForbesMagazine – Korea at pang-anim nung 2018.

Kinu-consider siya bilang isa sa “The Troika” along with Kim Tae-hee at Jun Ji-hyun at ang tawag sa kanilang tatlo ay “Tae-Hye-Ji”

Si Hye Kyo ay nag-aral ng Film Arts sa Sejong University. Napangasawa niya ang kanyang co-star sa “Descendants of the Sun” K-drama series na si Song Joong-ki at sila’y nagpakasal nung October 31, 2017 na dinaluhan ng kanilang respective families and closest friends kasama sina Park Bo-gum, Lee Kwang-soo at Yooh-Ah pero nung June 26, 2019 at nag-file ng divorce si Song Joong-ki at ito’y na-aprubahan a month later nung July 2019.

Bukod sa kanyang pagiging sikat na celebrity sa Korea, si Song Hye-kyo ay isa ring philanthropist katulad ni Heart.

And what else do they have in common? Si Hye Kyo ang bida sa South Korean series na “Full House”, at nang gawin ang Philippine adaptation nito ng GMA7, si Heart ang gumanap sa papel na ginampanan ni Hye Kyo.

Since magkaibigan na sina Heart at Hye Kyo, hindi malayong imbitahan ng una ang Korean actress na dumalaw sa Pilipinas balang araw.

Isko

Isko balik sa pagiging private citizen

BALIK sa pagiging private citizen ang dating Manila mayor na si Francsisco `Isko Moreno’ Domagoso matapos hindi ito palarin sa pigiging pangulo ng Pilipinas sa recently-conluded national and local elections.

Marami siyempre ang nanghinayang dahil masyado umanong nagmadali si Isko sa kanyang political career. Sana raw ay tinapos muna nito ang dalawa pang termino bilang mayor ng Maynila kung saan naging maganda ang kanyang performance.

Si Isko ay ikinasal sa kanyang wife na si Diana Lynn Ditan-Domagoso at sila’y nabiyayaan ng limang anak na sina Patrick, Frances, Joaquin, Franco at Drake.

Ang buhay ni Isko was featured in MMK at ito’y ginampanan ng dancer-turned actor na si Danilo Barrios.

Si Isko ay na-discover ng kanyang manager (hanggang ngayon) na si Wowie Roxas sa isang lamay sa Tondo nung 1993. Sa tulong ni Wowie ay napasok niya ang mundo ng showbiz at siya’y naging bahagi ng now-defunct musical-variety show na “That’s Entertainment” hosted by the late star builder and Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno at siya’y naging bahagi ng Monday group. When he was signed-up by Robbie Tan’s Seiko Films, he was given mature and sexy roles tulad sa “Siya’y Nagdadalaga,” “Exploitation,” “Misteryosa” at iba pang pelikula.

Taong 1998 nang pasukin ni Isko ang pulitika nang siya’y tumakbo sa pagka-konsehal sa isang distrito ng Maynila. Pagkatapos ng isang termino ay nanalo naman siyang pangalawang alkalde ng siyudad nung June 30, 2007 hanggang June 2016. Nung July 1, 2017, siya’y in-appoint ng dating President Rodrigo Duterte bilang Chairman of the Board and Chief Executive Officer of the North Luzon Railway Corporation pero tumagal lamang ito ng mahigit tatlong buwan up to October 27, 2017 at siya’y nag-resign para paghandaan ang kanyang planong pagtakbo sa pagka-mayor ng Maynila., At siya’y umupo nung June 30, 2019 na tumagal hanggang June 30, 2022.

In fairness kay Isko, tinapos nito ang kanyang pag-aaral sa Lungsod ng Pamantasan ng Maynila at nag-aral din siya sa Arellano School of Law na hindi niya tinapos. Nag-aral din siya sa International Academy of Management and Economics and took a crash course in Harvard University sa Amerika.

Ngayong balik sa pagiging isang private citizen si Isko, gusto niyang bumawi ng oras at bonding time with his family and most likely, sa kanyang showbiz career.

Solenn

Solenn buntis na naman

IBINALITA ng celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico na magkakaroon na ang kanilang two years and seven moths old daughter na si Thylane Katana ng baby brother or baby sister. Pregnant ngayon ang Filipino-French singer-actress na si Solenn sa kanilang magiging second baby ng kanyang Argentinian businessman and vlogger husband na si Nico. Ang kanilang panganay na si Thylane ay magti-three years old on January 1, 2023.

sarahsarah1

Sarah at Matteo nagi-enjoy sa Europe

SA halip na magkaroon ng baby, mas ini-enjoy muna ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang isa’t isa.

Ang mag-asawa ay kasalukuyang nasa Europe at kasama sa itinerary ang bansang pinagmulan ng ama ni Matteo na si Gianluca Guidicelli, ang Italy.

Ang European trip ng celebrity couple ay magsi-silbing advance birthday gift ni Matteo kay Sarah who is turning 34 sa darating na July 25.

The couple got married in a secret Christian wedding nung February 20, 2020 na naging daan ng galit ng ina ng Pop superstar na si Divine Geronimo.

Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin naaayos ang tampuhan ng mag-ina na isa ring rason kung bakit hindi pa itinutuloy ng dalawa ang kanilang binabalak na grand wedding sa simbahan. Pero alam na marami kung gaano kamahal ni Sarah ang kanyang pamilya.

Since pareho nang nasa pangangalaga ng Viva sina Sarah at Matteo,puwede na silang mag-collaborate sa iba’t ibang proyekto including movies, concerts, recording at iba pa.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE