Default Thumbnail

Soc-med group handang tumulong kay PBBM kontra korapsyon

July 29, 2022 People's Tonight 350 views

NAGPAHAYAG ng buong suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (PBBM) ang grupo ng social media practitioners upang “labanan ang problema ng graft and corruption” sa pamahalaan.

Sa ginanap na Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Incorporated (KSMBPI), Chairman Dr. Michael Raymond Aragon na handa silang tulungan si Pangulong Marcos Jr. para masugpo ang katiwalian sa bansa.

Bilang tugon sa pahayag ni Senator Risa Hontiveros, sinabi ni Aragon na bukas ang kanilang samahan na tulungan si Marcos solusyunan ang malawakang katiwalian sa ilang tanggapan ng gobyerno.

Giit ni Aragon, malaki ang naitutulong ng mass media kay Pangulong Marcos Jr. sa pagbubulgar ng katiwalian upang mapanagot ang may sala.

Plano rin ng grupo na kumuha at magsanay ng mga mamamahayag sa barangay level na magsisilbing “watchdog”.

“If the corrupt can pay off the influence of a few, surely they can not afford to buy out millions of the social media citizenry watching over and protecting our national treasury versus corruption,” ani Aragon.

Ipinaliwanag naman ni KSMBPI president at veteran radio reporter Andy Vital na nabuo ang organisasyon noong 2017 upang labanan ang “fake news” at ituro ang tamang paraan ng pagbabalita.

AUTHOR PROFILE