LGU

SMC makikipagtulungan sa mga LGU, socio-civic groups para sa disinfection program

November 10, 2021 People's Tonight 242 views

PAPALAWAKIN pa ng San Miguel Corporation (SMC) sa pamamagitan ng San Miguel Foods, ang disinfection ng pampublikong lugar sa buong bansa upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 sa gitna ng pagluluwag ng restrictions.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 100 barangay nitong nakaraang mga buwan ang napuntahan ng mga pangkat mula sa Animal Health Care ng San Miguel Foods sa buong bansa, lalo na sa mga lugar na madalas puntahan ng tao.

Kasama dito ang mga palengke, barangay center, farms, at maging mga kalye at kabahayan ng na nadisinfect ng libre.

Layon ng inisyatibong ito na mabawasan ang pagkalat ng sakit tulad COVID-19 sa pagbubukas ng ekonomiya na makikita sa pagdami ng tao sa iba’t ibang lugar.

“Kahit pa maluwag na sa restrictions at mataas na vaccination rate ay nasa gitna pa rin tayo ng pandemya kaya’t mahaba na sumunod sa strict hygiene practices. Kailangan ng madalas na paglilinis ng mga tinatawag na high-touch surfaces para mabawasan ng pagkalat ng germs at viruses,”wika ni SMC president Ramon S. Ang.

“Patuloy ang effort na ito at makikipagtulungan kami sa mga socio-civic organizations para madala ito sa mas marami pang lugar sa bansa,”dagdag pa niya.

Naisagawa na ang disinfection sa mga farms sa mga barangay sa Batangas, Cavite, Capiz, Saranggani, Surigao del Norte, Agusan del Norte, at Caraga at sa mga palengke sa Masbate, Camarines Sur, Camarines Norte, Albay, at Catanduanes.

Nakipagtulungan rin ang San Miguel sa Rotary Club District 3800, para sa disinfection activities sa Malabon, Navotas, Caloocan Valenzuela, Marikina, San Mateo, Antipolo, Taytay, Cainta, Pasig, and San Juan, at Mandaluyong.

Nagkaroon rin ng house-to-house disinfection sa mga bayan sa lalawigan ng Pangasinan, Benguet, and Tarlac; mga barangays sa Marikina, San Juan, at Taytay sa National Capital Region (NCR).

Gamit ng San Miguel sa paglilinis ang sarili nitong produkto na Protect Plus Gold, isang broad-spectrum disinfectant na pumapatay ng kill 500 strains of bacteria, fungi, at viruses, kasama ang COVID-19, at iba pang microorganisms na nagdudulot ng sakit.

Ang naturang produkto at ginamit sa paglilinis or disinfection ng mga ospital, critical installations, at opisina ng gobyerno maliban sa donasyon ng San Miguel na 70% ethyl alcohol disinfectant.

AUTHOR PROFILE