Posas

Sipsip langis huli ng pulis

January 8, 2024 Edd Reyes 135 views

TIKLO sa mga pulis ang lalaki na mala-bampira na sinipsip ang krudo sa generator na nagpapatakbo sa pumping station noong Linggo sa Malabon City.

Tinangka pang takbuhan ng suspek na si alyas Christopher ang mga pulis ng Malabon Police Sub-Station-7 na nagresponde para timbugin siya.

Sa kamalasan, timbog ang suspek nina P/Cpl. Jose Semillano at Pat. Achival Basas Jr. ng Tactical Motorcycle Reaction Unit (TMRU) sa kahabaan ng A. Bonifacio St., Brgy. Flores.

Sa isinumiteng ulat nina PSSg Jeric Tindugan at P/SSg Mardelio Osting kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nagpapatrulya ang mga tauhan ng Sub-Station-7 nang lapitan sila ng isang testigo para isumbong ang ginagawang pagsipsip ng krudo ni Christopher sa generator ng pumping station sa A. Bonifacio St. dakong alas-2:45 ng hapon.

Nakuha ng pulisya sa suspek ang isang container na naglalaman ng 20 litro ng krudo na nagkakahalaga ng P1,160 at hose na ginagamit niya sa pagsipsip.

AUTHOR PROFILE