Default Thumbnail

Mag-asawa nagtalo, mister nakitang dedo

January 8, 2024 Melnie Ragasa-limena 91 views

PINANINIWALAANG nagbaril sa sarili ang isang mister matapos makipag-away sa kaniyang misis noong Linggo sa Quezon City.

Namatay habang ginagamot sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) ang 45-anyos na biktima.

Batay sa imbestigasyon ni PSSG George Caculba ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection (QCPD CIDU), nakarinig na lang ng putok ng baril ang anak ng biktima dakong alas-2:30 ng madaling araw.

Nang puntahan sa kuwarto, nakita nilang puro dugo ang biktima.

Bago ito, nag-aaway ang biktima at misis nito nitong Linggo tungkol sa paghihiwalay.

Lumilitaw na 2022 nang unang maghiwalay ang biktima at misis niya pero nagkasundo noong Abril 2023.

Muling nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at misis nitong Nobyembre 2023 na humatong sa hindi pagkakaunawaan. Noong Enero 7 nang magpasya umano ang ginang na makipaghiwalay na hindi matangap ng biktima.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team mula QCPD Forensic Unit ang isang caliber .40 pistol.