LRT Ang bebot na pumailalim sa LRT sa Doroteo station southbound sa Sta. Cruz, Manila. TV grab ni JonJon Reyes

Bebot tumalon sa riles ng LRT buhay

June 25, 2024 Jonjon Reyes 173 views

BIGO ang tangkang pagpapatiwakal ng babae ng tumalon sa riles ng paparating na light rail transit (LRT) sa Doroteo Jose station sa Sta. Cruz, Maynila noong Martes.

Nagulat ang mga pasahero ng LRT-1 dahil sa biglaang pagtalon ng babae mula sa platform at natigil ang operasyon ng mga train alas-12:42 ng tanghali, ayon sa LRT Manila Corp.

Base sa Facebook post na in-upload ng isang netizen, biglang tumalon ang pasaherong babae habang paparating sa southbound lane ng station.

Dahil sa pagkabigla, nagkasigawan ang iba pang pasahero na naghihintay ng train sa Doroteo station .

Maagap na nakapreno at napahinto ang driver ng train kaya pumailalim lang ang babae. Ligtas ang biktima at walang anumang malubhang pinsala na nangyari.

AUTHOR PROFILE