Default Thumbnail

RIT bokya sa astig na bebot; bag hindi nakuha

June 25, 2024 Melnie Ragasa-limena 81 views

HINDI naduwag ang 20-anyos na college student sa riding-in-tandem (RIT) na nagtangkang agawin ang kanyang bag kaya nasugatan siya sa ulo, kanang kamay at kaliwang paa sa Quezon City noong Biyernes.

Super astig na lumaban sa mga kawatan ang babae ng agawin ang kanyang bag habang naglalakad pauwi ng bahay dakong alas-9:30 ng gabi sa Brgy. Quirino 2-B, Anonas, Quezon City.

Naglalakad siya nang biglang hintuan ng mga suspek at tutukan ng baril sabay agaw sa kanyang bag na naglalaman ng cellphone at wallet.

Hindi siya pumayag at sa halip nakipaghilahan siya sa mga suspek.

Dito na siya sinuntok sa sikmura ng isa sa mga suspek kasunod ng hataw ng baril sa ulo at itinulak. Tumakas ang RIT na hari ng sablay dahil bigong makuha ang kanyang bag.

Hindi na nakuha ng estudyante ang plate number ng motorsiklo. Naka-helmet at nakatakip ang mga mukha ng suspek. Labis ng trauma na idinulot ng pangyayari, ayon sa babae.