Default Thumbnail

Short quarantine pinuri ng Turismo party list

October 10, 2021 People's Tonight 293 views

KAPURI-PURI ang hakbang ng administrasyong Duterte na paiksiin ang quarantine period para sa mga dumarating na biyahero galing ibang bansa na bakunado laban sa Covid-19.

Iyan ang tinuran ng Turismo Isulong Mo Partylist (TURISMO) kahapon nang ihayag ng Inter-Agency Task Force on emerging infectious diseases (IATF) ang bagong guideline na nagmamando lamang na pitong araw sa halip na 10 araw na quarantine period.

Ang bagong IATF guideline ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na huwag nang patagalin ang isolation period ng mga fully-vaccinated travelers na galing sa mga “green” at “yellow” na bansa, ibig sabihi’y may mababang kaso ng COVID-19 infections.

Ayon sa bagong guideline, pwede nang pauwiin ang biyahero sa ikapitong araw ng isolation kung lumitaw na negative ito sa COVID-19 swab test at mag-stay home na lang nang pitong araw pa.

Nais kasi ng Pangulong Duterte na hayaang makapiling kaagad ng returning overseas Filipino workers (OFWs) ang kani-kanilang pamilya kaya inutos nya na paiksiin ang quarantine period.

“Napakalambot talaga ng puso ng Pangulong Duterte sa mga OFWs na dumanas ng paghihirap sa ibayong dagat sa gitna ng pandemya. Nais nya na makapiling ng OFWs ang kanilang mga mahal sa buhay nang mas maraming araw kaya pinaiksi nya ang quarantine period,” sabi ni Atty. Marco Bautista, spokesman ng TURISMO Party-list.

Ayon kay Bautista, napag-alaman ng Pangulo na dagdag-gastos lamang para sa OFWs at pamahalaan ang 10 araw na quarantine period dahil sa bayad sa hotel accommodation bukod sa RT-PCR COVID-19 testing.

Ang TURISMO Partylist ay isa sa mga naghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa May 9, 2022 national elections.

Layon ng TURISMO Partylist na maging boses ng tourism sector na nakaranas ng sobrang paghihirap at pagkalugi ng kabuhayan dahil sa Covid pandemic crisis.

Isusulong din ng TURISMO Partylist ang karagdagang financial assistance sa small tourism entrepreneurs at mga tourism workers, at suportahan ang sustainable tourism development program ng pamahalaan.

Ang TURISMO Partylist ay isang non-government organization (NGO) at walang kaugnayan sa Department of Tourism (DOT).

AUTHOR PROFILE