Default Thumbnail

Get Mariveles drug suspect dead or alive — Gen. de Leon

October 10, 2021 People's Tonight 321 views

GET me that Mariveles drug suspect dead or alive!!!”

Ito ang utos ni Philippine National Police (PNP) Region 3 chief PBGen. Val de Leon sa kanyang mga tauhan laban kay Melvi Basci, suspected drug pusher ng Mariveles, Bataan.

Si Basci ang sinasabing nanilab kay PCpl. Edward Gannaban sa isang drug bust operation noong nakaraang linggo.

Natunugan daw ni Basci na ang katransaksyon pala ay pulis kung kaya’t tumakbo ito sa loob ng bahay ay kumuha ng bote ng gasolina at sinaboy kay Gannaban sabay sinindihan ang parak.

Nagtamo na mga paso at 2nd degree burn ang pulis kaya nakatakas ang suspek.

“Tiniyak na hindi susuko itong si Basci kapag nakorner namin kaya utos ko sa mga tao ko na itumba na lang siya bago pa sila mapatay nito. Nagawa na niyang manakit ng alagad ng batas kaya I am sure hindi na ito papahuli ng buhay,” dagdag ni de Leon.

Pero ayon sa heneral, “kung sakaling voluntary itong sumuko syempre aarestuhin na lamang namin siya para panagutan ang ginawa niya sa pulis ko”.

Nagpadala na ng tulong pinansyal at sinagot na ng PNP Region 3 ang pagpapagamot ng pulis.

AUTHOR PROFILE