Senglot na kelot tiklo sa pagpapaputok ng boga
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Nasakote noong Miyerkules ng mga pulis ang isang lasing na lalaki dahil sa pagpapaputok ng baril sa Sitio Malaya, Brgy. Matingain 1, Lemery, Batangas.
Inaresto ng Lemery police alas-2:30 ng hapon si alyas Arnold matapos matanggap ang report na umano’y nagpaputok ng baril sa nabanggit na lugar.
Ayon sa mga pulis, nakita nila ang hawakan ng baril na nakasukbit sa baywang ng lasing na suspek.
Nakuha sa suspek ang kalibre 45, tatlong bala at apat na basyo ng bala.
Kakasuhan ang suspek ng Alarm and Scandal at violation ng RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.