Default Thumbnail

1 dedo, 3 sugatan sa pananaga

April 5, 2024 Jojo C. Magsombol 40 views

PATAY ang isang babae at tatlo ang sugatan noong Miyerkules sa pananaga ng tumakas na suspek sa Brgy. Aya, Talisay, Batangas, ayon sa pulisya.

May asawa ang napatay at may edad na 39, 15 at 13-anyos ang tatlong sugatan na pawang residente ng Brgy. Aya, Talisay, Batangas.

Kinilala ang suspek sa pananaga na si alyas Oliver, 40, ng nabanggit na lugar.

Natanggap ng mga pulis ang report ng pananaga dakong alas-12:35 ng madaling araw mula sa tawag sa telepono ng residente.

Sa inisyal na report, natutulog sa sofa ng kanyang bahay ang napatay alas-11:20 ng gabi nang dumating ang suspek at bigla siyang sinaksak ng ilang beses.

Pagkatapos, pumunta ang salarin sa bahay ng tatlong biktima at tinaga ng walang dahilan.

Dinala sa Global Medical Care Center Hospital Talisay ang mga biktima pero idineklarang dead-on-arrival ang isa sa kanila.

AUTHOR PROFILE