Batangas

Mayor, congressman nanguna sa goat giving sa Batangas City

April 5, 2024 Jojo C. Magsombol 72 views

BATANGAS CITY–NANGUNA sina Mayor Beverley Dimacuha (encircled) at Congressman Marvey Marino sa pamimigay ng kambing sa 54 residente mula sa 13 barangay sa lungsod noong Abril 4.

Ipinamigay ang mga kambing sa ilalim ng programang Goat Dispersal Program sa pangangasiwa ng Livestock Division ng City Veterinary Office (CVO).

Nauna rito, sumailalim ang mga benepisyaryo sa pagsasanay sa tamang paraan ng pag-aalaga ng kambing noong Marso 25.

Nagsimula sa administrasyon ni Eduardo Dimacuha ang pamimigay ng kambing at ipinagpapatuloy ng administrasyon ni Mayor Beverley.

Layunin ng pamimigay ng kambing na makapagbigay ng karagdagang pagkakitaan at mapalakas ang industriya ng kambing sa lungsod.

AUTHOR PROFILE