Default Thumbnail

Senado nagluluksa sa pagpanaw ni dating Pangulong Ramos

August 2, 2022 PS Jun M. Sarmiento 298 views

NAKATAKDANG magsagawa ng iba’t-ibang resolusyon ang mga senador bilang pagbibigay-pugay at pakikipagdalamhati sa namayapang dating Pangulong Fidel V. Ramos sa edad na 94.

Sa pangunguna ni Senate President Miguel “Migz” Zubiri na naghain ng Senate Resolution no. 72 bilang pakikiramay sa mga naulila ng dating pangulo, sinabi ni Zubiri na isang kahanga-hanga at kagalang-galang ang dating pangulo dahil na rin sa napakaraming kontribusyon nito na ginawa sa ating bansa.

Ayon kay Zubiri, si Ramos ay isang “gallant, dutiful, at decorated soldier” na nakipaglaban sa giyera ng Korean taong 1952 kung saan ay naging Presidential Assistant on Military Affairs din siya noong 1969.

Agaran na nagkaroon ng “half-mast” sa Senado bilang pagbibigay respeto sa pumanaw na dating pangulo.

“Fidel Valdez Ramos’s administration is known for the program, ‘Philippines 2000’, which envisioned the country to be newly industrialized by the year 2000, for instituting economic reforms which drove investments in the country to surge, and for navigating the Philippine economy during the 1997 East Asia Financial Crisis steering our country’s recovery efforts and turning the Sick Man of Asia into Asia’s Next Tiger Economy,” ani Zubiri sa kanyang resolusyon.

Ayon naman kay Robin Padilla, si Ramos ay matinding instrumento kung bakit naresolba ang brownout na nakapagbigay kaluwagan sa ekonomiya ng bansa.

“Nakikiisa ako sa pagluluksa ng ating mahal na bayan sa pagpanaw ng dating Pangulong Fidel Ramos. Sa pamumuno ni FVR, naibsan ang problema natin sa brownout at pinaigting ang ating pagsisikap para magkaroon ng kapayapaan lalo na sa Mindanao,” giit ni Sen. Padilla.

Si Ramos ang siyang founder ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) na siya rin ginamit niyang partido kung saan siya tumakbo ng pangulo at nanalo noong 1992.

Para naman kay Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., na siyang co-chair sa Lakas-CMD, ang pagkawala ni Ramos ay isang “malaking kawalan” para sa bansa.

Inamin ni Revilla na lubhang nagdadalamhati siya sapagkat itinuring na aniya niya si Ramos bilang pangalawang ama at ang dahilan din kung bakit siya pumasok sa politika.

“Sobrang nakakalungkot. Parang tatay ko na siya at siya ang talagang naging daan kung bakit ako pumasok sa politics. Siya ang nagkumbinsi sa akin at masakit isipin na iniwan niya na ang sambayanan Pilipino,” ani Revilla.

“Malaking kontribusyon ang iniwan niya para sa bansa. He transformed the Philippines from being the Sick Man of Asia to the Tiger of the Region,” dagdag pa ni Revilla.

At tulad ni Revilla, inilahad ni Sen. Loren Legarda na si Ramos umano ang naging tuntungan niya sa pagpasok sa mundo ng politika sa ilalim din ng Lakas-CMD.

Ayon pa kay Legarda, isa si Ramos sa kanyang iniidolo dahil sa taglay nitong disiplina at determinasyon sa pamamalakad niya sa bansa bukod pa sa taglay nitong kasipagan.

“He was the first to bring forth the idea for me to run for the Senate, when I was 37-year-old. I owe him much. The Filipino people mourns his passing,” banggit ni Legarda na nagsabing siya ang “pinaka-utak” sa pagkumbinsi sa Moro National Liberation Front (MNLF) na samahan ng mga ito ang gobyerno sa pagtataguyod ng kapayapaan.

Para naman kay Sen. Grace Poe si Ramos ay isang huwaran sa bawat lingkod bayan dahil sa kanyang taglay na katatagan.

Malaking kontribusyon aniya ang ginawa ni Ramos kung bakit bumulusok sa itaas ang ekonomiya ng bansa noong panahon niya at kung saan ay tiningala tayo ng mga kapitbahay natin sa Asya.

“The occasion I met with President Ramos left indelible lessons on me being [a] firm and dedicated public servant,” ani Poe.

Ayon naman kay Sen. Alan Peter Cayetano, si Ramos na kilalang matalik na kaibigan ng kanyang ama na si dating Sen. Renator “Rene” Cayetano ay ang pinaka-ugat kung bakit natuto silang kung ano ang ibig sabihin ng tamang pamamalakad sa gobyerno.

“My Dad, Sen. Rene Compañero Cayetano, once told me that he learned the most about governance during the time he served in his Cabinet,” as he urged the Filipino people to continue the vision and mission of Ramos [in] the making the nation strong and more responsive to the needs of the people,” ani Cayetano.

Sa panahon ni Ramos na mas kilala rin bilang “Pangulong Tabako”, kinilala ang bansa bilang “Tiger Cub Economy of Asia” dahil sa kamangha-manghang pag-ahon ng ekonomiya ng bansa sa kanyang pamumuno.

Sinabi naman ni Sen. Joel Villanueva na ang kontribusyon ni Ramos ay hindi matatawaran at hanggang sa ngayon sa “umaalingawngaw” aniya ito sa buong bansa.

Ang kanyang lideratong kakaiba na may iconic thumbs up sign at “Kaya Natin” mentalidad ang siyang naging inspirasyon aniya sa pag-angat ng bansa sa lugmok nitong sitwasyon noong umupo siyang bagong pangulo.

Para naman kay Sen. Nancy Binay, ang dating pangulo ay isang ilaw na nagsisilbi para sa kaliwanagan ng bansa at ang kanyang pagkawala ay matuturing na dagok sa bansa.

“Under FVR’s leadership, the people enjoyed peace, stability, and development,” Binay said in Filipino. “In this time of deep sadness, I join the Filipino people in mourning the passing of an excellent, effective, and great leader the nation has known.”

Si Sen. Sonny Angara ay nagpahayag ng kanyang alaala sa dating pangulo na ayon sa kanya, ay isang uri ng pamumuno na hindi makasarili at siyang dahilan umano upang bigyan tuldok ang telco monopoly kung bakit sa ngayon ay mayroon tayong pagpipilian sa kumpanya ng ating mga cellphone services.

Sinabi naman ni Lapid na isang matuturing na “malakas” na pangulo si Ramos dahil sa kagalang-galang nitong pamamahala at dedikasyon na kung saan ay naging mabuting ehemplo siya ng kasundaluhan ng bansa.

Para kaye Sen. Francis Tolentino, si FVR ang siyang hagdanan na nagdala sa ating sa hamon ng 21st century dahil sa kanyang mga socio-economic flagship na programa na tinaguriang “Philippines 2000”.

Ayon naman kay Sen. Jinggoy Estrada, ang legasiya ni Ramos ang siyang naging “blueprint” ng mga sumunod na pangulo kasama na ang kanyang ama na si dating Pagulong Joseph Estrada.

“The achievements and significant programs under his administration, particularly in the opening of the economy and investment, became the foundation of subsequent presidents, including the term of my father,” Estrada said.

“We honor his legacy and service to the country. I join the Filipino nation in mourning the passing of a brave soldier, visionary leader, true public servant, and patriot. May his soul rest in peace,” dagdag pa niya.

Para kay Sen. Sherwn Gatchalian sa kanyang SB no. 76, si Ramos ang dahilan kung bakit naisakatuparan ang deregulasyon at pagsasapribado ng maraming industriya sa bansa na nakatulong upang maiangat ang buhay ng karamihan.