Sean gustong makilala bilang mahusay na aktor

October 13, 2022 Aster Amoyo 447 views

TWENTY-two year-old actor Sean de Guzman got the taste of his acting debut nang kanyang gawin ang pelikulang “Anak ng Macho Dancer” in early part of 2021 na dinirek ng premyadong director na si Joel Lamangan. The two got reunited in the social crime-drama movie na “Fall Guy” (The Influencer) na siyang naghatid sa young actor ng dalawang international Best Actor awards mula CHITHIRAM International Film Festival in India at mula sa Anatolian Film Awards in Turkey. The movie was also submitted sa Barcelona Film Festival na magaganap sa susunod na buwan.

Matapos gawin ni Sean ang “Anak ng Macho Dancer” nung isang taon ay naging sunud-sunod na ang paggawa niya ng pelikula all streamed under Vivamax tulad ng “Taya,” “Hugas,” “Mahjong Nights,” “Island of Desire” and his latest offering, ang sexy-romance drama film na “Relyebo” na dinirek ng writer-director na si Crisanto Aquino at kung saan niya muling kasama sina Christine Bermas at Jela Cuenca na pareho niyang nakatrabo sa pelikulang “Island of Desire” na dinirek ni Loel Lamangan.

Ang pagkakapanalo ni Sean ng dalawang international Best Actor awards sa dalawang magkaibang filmfest in India at Turkey ay lalo lamang nagbigay sa kanya ng inspirasyon na pagbutihin ang kanyang trabaho bilang actor.

Although sunud-sunod na sexy films ang kanyang ginagawa, pangarap din naman ni Sean na kilalanin siyang isang mahusay na actor.

Freddie

Buhay at pag-ibig ni Ka Freddie

HINDI ikinakaila ng 69-year-old OPM icon, singer-songwriter, hitmaker, musician, record producer and entrepreneur na si Freddie Aguilar na na-love at first time umano siya sa kanyang fourth and present wife na si Jovi Gatdula Albao nang makita niya ito sa isang out-out-town campaign who was only 16 years old then.

Pero dahil malaking bulas, inakala noon ni Freddie that she was already in her 20s. When he discovered her real age, he went through the process ng kanyang panliligaw. Hindi sila lumalabas ni Jovi nang wala itong kasama na miyembro ng kanyang pamilya o kaanak at ipinakita rin niya sa pamilya ng kanyang misis na ngayon ang kanyang seryosong layunin sa noo’y teen-ager pa lamang.

Freddie has had three ex-wives in the past and bore six children sa kanyang first two ex-wives. Ang kanyang anim na anak ay sina Shiaianne (Shane), Meagan, Jonan, Isabella, Jeriko at Amira.

Hindi siya nagkaroon ng anak sa kanyang ikatlong asawa na nasa Amerika na at may sarili na ring pamilya. Tatlong beses namang nagka-miscarriage ang kanyang present wife na si Jovi pero umaasa pa rin ang “Anak” creator and hitmaker na mabibiyaan pa rin sila ng anak lalupa’t malalaki na ang mga anak niya sa mga nauna niyang misis.

Born a Catholic, naging isang Born-again Christian din siya hanggang magpa-convert siya bilang isang Muslim months bago niya pinakasalan in Islam wedding rites ang kanyang present wife na si Jovi sa Buluan, Maguindanao nung November 22, 2013.

Ang Muslim name ni Freddie ay Abdul Farid habang ang kanyang wife na si Jovi ay Sittie Mariam.

Mag-asawa na sina Freddie at Jovi nang masunog ang North Fairview house ng music icon nung Junuary 3, 2018 na nagsimula sa kanyang music room.

Freddie was in his own music bar in Tomas, Morato, Quezon City habang nasa loob ng bahay ang kanyang misis na si Jovi, ang kanyang mother-in-law at anak na si Jonan pero ang mga ito’y nakaligtas sa tulong ng mga kapitbahay. Except for his favorite guitar na naisalba, nasunog lahat ng mga art collections ni Freddie including his various trophies, certificates and awards, records, CDs, music instruments and other memorabilias at mga gamit sa bahay na nagkakahalaga ng halos P15-M.

Milagro namang hindi natupok ng apoy ang tatlo pang kuwarto ng bahay at ang paboritong gitara ng singer-songwriter.

Ang isang ipinagpasalamat ni Freddie ay buhay at walang nasaktan sa kanyang mga mahal sa buhay at hindi lumipat ang apoy sa mga kapitbahay kaya walang ibang bahay na nadamay.

Naniniwala siya na ang lahat ng bagay dito sa mundo ay lahat hiram sa Itaas at maari Niyang kunin anytime na naisin Niya.

Ang nasunog niyang bahay ay muli niyang naipagawa nang mas maganda pa kesa sa dati dahil sa patuloy na blessings na dumarating sa kanya at sa kanyang pamilya.

Ang kanyang wife na si Jovi ay isang successful online seller ng iba’t ibang produkto at ang online business nito ay naka-rehistro kaya nagbabayad ito regularly ng tax.

In-demand pa rin hanggang ngayon si Freddie sa pagsusulat hindi lamang ng mga kanta kundi pati commercial jingles, at pagpi-peform sa iba’t ibang lugar hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Ang local at international royalties ay patuloy niyang natatanggap para sa kanyang international classic hit song na “Anak” na siya rin mismo ang sumulat at kumanta except yung iba’t ibang version ng kanta which was translated sa iba’t ibang lenguahe ng iba’t ibang bansa.

Hindi man nanalo ang kantang “Anak” sa 1978 Metro Pop, the song which was pre-recorded before the music fest was released by Vicor Music Corporation kung saan din noon naka-kontrata na si Freddie. It became an instant No. 1 nationwide na sinundan ng Japan at iba pang bansa.

In 1986, Billboard Magazine declared Freddie’s “Anak” as the second selling song worldwide. The song also broke all existing records sa Philippine music industry and made it the highest-selling song of all time sa ating bansa.

The song “Anak” made Freddie Aguilar an international name in the music industry. Pero sa kabila ng kanyang kasikatan, he declined a $10-M recording deal from RCA Records dahil gagawin umano siyang pop recording artist na hindi umano niya forte. At ayaw din umano niyang iwan ang kanyang sinimulan sa Pilipinas.

Tinanggihan din umano noon ng kanyang anak na si Meagan who was only 12 years old ang $1-M offer ng RCA for the same reason na ayaw niyang baguhin ang kinasanayang music genre.

Inamin sa amin ni Freddie na ang kantang “Anak” ay inspired ng kanyang sariling karanasan when he was still young. He showed the lyrics to his father nung nabubuhay pa ito pero hindi pa umano niya ito naire-record. Nangilid umano ang luha ng kanyang ama na isang police nang mabasa ang lyrics ng kanyang kanta. Nang sumikat ang “Anak” ay yumao na ang kanyang ama kaya ang kanyang ina ang naka-witness ng kanyang pagsikat at pag-iba ng takbo ng kanilang buhay.

Nung nabubuhay pa ang ama ni Freddie ay gusto nitong maging abogado ang kanyang panganay na anak. Pero bata pa noon si Freddie ay musika na ang kanyang hilig at natuto siyang magtipa ng gitara when he was 9 nang walang nagtuturo sa kanya.

Wala umano siyang hilig mag-aral noon pero umabot siya ng first year bilang electronics engineering student sa Guzman Institute of Technology dahil mahilig umano siyang magbutingting ng mga electronics when he was young. Pero maging ito ay hindi niya tinapos dahil mas nag-concentrate na siya sa kanyang pagiging folk singer at songwriter na kahit ayaw noon ng kanyang ama ay sinuportahan na rin siya nito bago ito yumao.

It was not an overnight success for Freddie na nagsimulang kumanta sa maliliit na music lounge and folk houses at kumikita ng P20 a night hanggang mapunta siya sa Olongapo kung saan nagsimula siyang kumita ng P40 hanggang P60 per night at ka-alternate niya ang iba’t ibang sikat na banda sa nasabing lugar.

Palibhasa’y payat (18 lang noon ang waistline ni Freddie) at mahaba ang buhok, ginawan siya ng isyu ng mga naiinggit sa kanya na kesyo isa siyang drug addict para matanggal sa isang sikat na bar na kanyang kinakantahan hanggang magpalipat-lipat siya ng venue in Olongapo kung saan siya nagsimulang makilala.

It was a member of a band na kanyang ka-alternate who encouraged him to join the 1978 Metro Pop kahit wala umano siyang plano. Sa kakukulit sa kanya ay isinumite niya ang kanyang application at siya ang natanggap at naihanay siya sa mga kilalang interpreters-peformers tulad nina Hajji Alejandro, Anthony Castelo, Maricris Bermont at iba pa.

When Freddie got the nod of the screening committee ng Metropop ay kinumbinse umano siya to get a popular interpreter for his song “Anak” pero hindi umano siya pumayag na hindi siya ang kakatanta dahil siya yung “Anak” na kanyang sinulat. In the end, pumayag na rin ang mga nasa likod ng Metropop na siya na rin ang kumanta ng sarili niyang komposisyon.

When he finally sang the song, he was given a standing ovation na pinangunahan ng former First Lady Imelda Marcos na agad siya ipinatawag sa tabi ng inuupuan nito para lamang i-congratulate.

Freddie and his song, “Anak” did not win much to the disappointment of the audience maging ang director ng event, the late Fritz Ynfante na personal na nilapitan si Freddie para lamang sabihin na dapat siya ang panalo.

Pero destiny na rin ang nagtulak kay Freddie na sumikat nang husto dahil sa kanyang kantang “Anak” hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Everyone can relate to the song.

Lahat ng mga kantang kinompos at pinasikat ni Freddie ay may social statement at sinulat niya ang mga ito nang ayon sa personal niyang karanasan at mga nangyayari sa paligid tulad ng “Anak,” “Bulag, Pipi at Bingi,” “Magdalena,” “Bayan Ko,” “Magbago Ka,” “Buhay Nga Naman ng Tao,” “Katarungan,” “Pinoy,” “Kapayaan, Kalayaan,” “Uling,” “Sa Ngalan ng Ama,” “Ina,” “Luzviminda,” “Mindanao” at marami pang iba pa.

Dumating man ang araw na naisin na ni Freddie na mag-retiro sa pagkanta at pagsusulat ng kanta, nakaukit na sa puso’t isipan ng mga tao ang mga awiting kanyang ibinahagi sa publiko at sa mamamayang Pilipino.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo ang Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE