Default Thumbnail

Sariwang manok ligtas ikonsumo

October 16, 2022 People's Tonight 320 views

Kaysa sa inangkat na frozen — agri expert

IGINIIT ng isang agriculture expert na mas ligtas ikonsumo ang mga sariwang manok kaysa mga inangkat na frozen.

“Ang entire consumers kung titingnan ‘yung consumers, they prefer ‘yung local fresh (meat) talaga as much as possible. In terms of safe, ‘yung sa texture nung meat. Very preferred po talaga natin ‘yun,” wika ni Sherwin Camba ng College of Agriculture and Food Science ng University of the Philippines-Los Baños.

“When it comes naman sa frozen meat, malalaman mo talaga sa texture pa lang,” dagdag pa niya.

“‘Yung disadvantage talaga is ‘yung sa food safety kasi we don’t know ‘yung sa source, specifically kung paano binuo ‘yung manok sa farm,” pagpapatuloy niya.

Para naman sa mga consumer, may pangamba ang mga ito sa pagbili ng mga inangkat na frozen meat dahil hindi na umano ito masustansiya. Mas ligtas at masarap umanong gamitin sa kusina o sa restaurant ang sariwa dahil mas malasa at nanunoot ang timpla sa lokal na manok.

“Kung sa kalusugan po talaga ang (imported) frozen hindi po worth it. Mas maganda po talaga ‘yung lokal lang o ‘yung mga ano po talaga natin na– namimili po tayo ‘yung talagang bagong katay na po. Kasi ‘yung bagong katay po talaga ‘yung masustansya,” sabi ng isang consumer.

Ayon naman kay Tony, tindero ng manok at baboy sa palengke, mas mabili at pinipili pa rin ito ng nga mamimili.

“Kasi ‘yung imported hindi na siya masarap kainin. Hindi katulad ng ganito na sarili nating produkto masarap siya.”

Reklamo naman ng ibang tindero, na-iistakan na ng tubig ang mga imported na manok.

“Kasi ang lokal bagong katay kaysa naman sa imported na nai-stock at dumadami ‘yung tubig,” anila.

“Mas mahal ang lokal kaysa sa imported dahil ang lokal bagong katay. Ang imported naman naka-stock lang.”

Bukod dito, kadalasan umano ay hindi sinasabi sa inangkat na frozen meat kung kailan ang orginal date of production nito. Hindi rin alam kung ano ang totoong kalagayan ng inangkat na frozen na manok dahil posibleng na-repack na ito at hinaluan ng pampalasa, kung kaya madalas ay malansa ito.

AUTHOR PROFILE