Sarah Geronimo Sarah Geronimo

Sarah tutulungan ang ina sa kinahaharap na problema

December 21, 2022 Aster Amoyo 453 views

HINDI pa man ayos ang relasyon ng pop superstar na si Sarah Geronimo at mister nitong si Matteo Guidicelli sa parents ni Sarah na sina Delfin at Divine Geronimo, tiyak na hindi magpapabaya si Sarah sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng kanyang ina na may kinalaman sa dati nilang driver na lumapit sa actor-comedian at YouTuber na si Ogie Diaz at naghain na rin ng
reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) kung saan naka-schedule na ang conference sa dalawang partido (complainant at inirereklamo) sa NLRC office on January 5 and 12, 2023.

Inirereklamo ang ina ni Sarah ng unfair labor practices at sa sala ng NLRC magkakapaliwanagan ang dalawang partido.

Matagal na ring tahimik ang kampo ng parents ni Sarah matapos umanong `magwala’ si Mommy Divine nang malaman nitong nagpakasal ng sikreto sina Sarah at Matteo nang wala silang kaalam-alam nung February 20, 2020.

Dahil sa problemang kinakaharap ngayon ng ina ni Sarah, tiyak na tutulong ang Pop royalty na ito’y maayos sa mapayapang paraan.

Paolo Gumabao

Paolo umaming crush si Anne

INAMIN ng actor at isa sa mga pangunahing bida ng true-to-life story movie na “Mamasapano: Now It Can Be Told” na si Paolo Gumabao na crush
umano niya ang misis ni Erwan Heussaff na si Anne Curtis dahil sa kakaiba nitong katangian ng isang babae na handa niya isakripisyo ang kanyang successful career
for her family.

Bukod siyempre sa napakaganda at napaka-sexy ni Anne na mala-diyosa, ang kanyang natatanging pagmamahal sa kanyang asawa’t anak ay kakaiba.

Hanga rin umano siya sa lead star ng “Mars Ravelo’s Darna” na si Jane de Leon dahil din sa maganda nitong attitude sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan sa buhay. Si Paolo ay isa sa mga co actors ni Jane sa “Darna”.

Masaya si Paolo dahil naging maganda ang takbo ng kanyang career sa taong magtatapos. Bukod sa hit primetime TV series na “Darna” ay meron siyang pang-Metro Manila Film Festival movie na “Mamasapano: Now It Can Be Told” na mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula sa darating na Pasko, December 25 until January 7, 2023.

Umaasa rin ang half-brother nina Marco Gumabao at Michelle Gumabao na magpapatuloy ang magandang takbo ng kanyang career sa darating na bagong taon at sa susunod pang mga taon.
Si Paolo ay hindi lamang close sa kanyang biological father na si Dennis Roldan kundi maging sa kanyang pitong half-siblings including Marco and Michelle.

Atom AraulloAtom lumagda muli sa GMA

TULAD ng King of Talk na si Boy Abunda, ang award-winning broadcast journalist, documentarist, news actor at triathlete na si Atom Araullo ay nagsimula rin sa bakuran ng GMA bago ito lumipat ng ABS-CBN only to return to the Kapuso network nung 2017 to pursue his passion ng paggawa ng documentaries for the network’s Public Affairs at pagiging news anchor na rin.
The 40-year-old anchor remains single hanggang ngayon although he is in a relationship with ABS-CBN’s news anchor and field reporter na si Zen Hernandez.

Last December 17, 2022 ay muling lumagda ng exclusive contract si Atom with GMA para maipagpatuloy niya ang kanyang trabaho as as an award-winning broadcast journalist.

Sen. Lapid kasama uli sa bagong TV series ni Coco

WALANG alinlangan na nagkaroon ng special bonding bilang magkaibigan sina Sen. Lito Lapid at Coco Martin nang magsama ang dalawa sa nagtapos na action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbidahan at tumayong creative director at co-director si Coco habang si Sen. Lito naman ay gumanap bilang si Pinuno, ang leader ng Pulang Araw.

Ang salitang Pinuno ay tumatak kay Sen. Lito hanggang sa muli nilang pagtakbo sa senado at kung saan din siya sinuportahan ni Coco.

Si Sen. Lito ay muling makakasama ni Coco sa bago nitong serye, ang “FPJ’s Batang Quiapo” na pagtatambalan mismo nina Coco at Lovie Poe (biological daughter ng namayapang Movie King na si Fernando Poe, Jr.).

Natuwa rin siyempre si Coco nang tanggapin ng senador ang kanyang alok na muling makasama sa “Batang Quiapo” TV series.

Sobrang hanga rin si Sen. Lito kay Coco dahil kakaiba umano itong makisama sa kanyang mga katrabaho.

Bukod kay Sen. Lito, kasama rin sa bagong serye ang anak ng senador na si Mark Lapid.

MMFF entries huhusgahan na TATLONG araw na lamang ang bibilangin at huhusgahan na ng mga manonood sa sinehan ang walong kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Dito rin malalaman kung handang-handa na nga ba ang moviegoing public na muling dumagsa sa mga sinehan para suportahan ang walong kasali sa filmfest.

Alin kaya sa walong kalahok ang mangunguna sa takilya? Since matagal nasabik ang mga manonood sa mga pelikulang Pilipino at sa panonood sa mga sinehan dahil sa pandemya, positibo ang marami na muling dadagsa sa mga sinehan ang mga manonood kasama ang kanilang buong pamilya laluna ang mga bata.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and ‘INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE