Andrew Schimmer

Misis ni Andrew pumanaw na

December 21, 2022 Aster Amoyo 730 views

TIYAK na malungkot ang Pasko at pagsapit ng Bagong taon sa actor na si Andrew Schimmer at sa dalawa niyang anak na sina Andrea at Neymar dahil apat  na araw bago sumapit ang kaarawan ni Hesus ay sumakabilang-buhay ang kanyang misis na si Jorhomy `Jho’ Rovero na nataon pa sa kaarawan ng kanilang bunsong anak na si Neymar.’

Mahigit isang taon ding nakipaglaban si Jho sa kanyang sakit na severe asthma na siyang naging daan ng kanyang cardiac arrest at hypoxemia (low blood oxygen).

Nasa taping si Andrew ng game program na “Family Feud” ng GMA nang siya’y makatanggap ng tawag na deteriorating na umano ang lagay ng kanyang misis kaya hindi nito itinuloy ang taping at agad siyang nag-rush patungong hospital kung saan naka-confine ang kanyang misis na inabutan niyang nire-revive ng mga doctor at nurses.

Although masakit kay Andrew at sa kanilang dalawang anak ang pagpanaw ni Jho, iniisip na lang nil ana nasa magandang kalagayan na ito at wala nang pain na nararamdaman.

Ipagdiriwang ni Andrew at ng kanyang mga anak ang Pasko sa burol ng kanyang misis.

Nag-post si Andrew sa kanyang Facebook account patungkol sa kanyang namayapang misis, “The Love of my life…my wife…my best friend…my partner in everything. Remember your promise, together forever.” (with broken heart)

AUTHOR PROFILE