Sarah Geronimo

Sarah, bumati ng happy Mother’s Day kay Mommy Divine

May 14, 2023 Ian F. Fariñas 208 views

DALAWANG araw matapos ang record-breaking 20th anniversary concert sa Araneta Coliseum kung saan may pa-tribute siya sa amang si Delfin, bumati naman sa “superheroes ng buhay ko” si Sarah Geronimo para sa Mother’s Day kahapon.

Ani Sarah sa Instagram post, “I love you nanay at tatay ko.

“Happy Mother’s day po mama. Walang hanggan po na pasasalamat para sa walang katumbas na pag-aaruga at pagmamahal.”

Hanggang ngayon, wala pang balita kung nagkaayos na si Sarah at ang kanyang mga magulang. Pero marami ang nagwi-wish na mangyari na ang reconciliation sa madaling panahon.

Sa hiwalay namang post, pinasalamatan ng Popstar Royalty ang lahat ng tumulong para maging highly successful ang SG20.

Sinimulan niya ito sa direktor na si Paolo Valenciano at sa mga magulang nitong sina Gary at Angeli, sa buong production team, banda, musical director na si Louie Ocampo, back-up singers, dancers at choreographers, vocal coaches na sina Yosha at Teacher Annie, glam team nina Juan Sarte (make-up), Raymond Santiago (hairstylist), Liz Uy at Bang Pineda (wardrobe), special guests tulad nina Regine Velasquez, Billy Crawford, Sam Concepcion, atbp. at siyempre sa discoverer niyang si Viva Boss Vic del Rosario.

Ani Sarah, “Boss Vic… salamat po for being God’s instrument to help my family have a better and comfortable life. Mula po noon hanggang ngayon, maraming salamat po para sa lahat ng pang unawa at suporta.”

Higit sa lahat, pinasalamatan ni Sarah ang lahat ng Popsters na pumuno sa Araneta.

“Popsters, wala kayong katulad. Maraming maraming salamat para sa inspirasyon at pagmamahal. Patuloy nating aabutin ang mga tala. Maraming salamat at ‘di kayo bumitiw.

“Mahal ko kayo. Happy 20 years!!” pahayag ni Sarah.

AUTHOR PROFILE