Michelle Dee

Korona ni Michelle, kinukuwestiyon

May 14, 2023 Ian F. Fariñas 350 views

MARAMI ang hindi sang-ayon sa pagwawagi ni Miss Makati Michelle Dee bilang Miss Universe Philippines 2023.

“Recycle” beauty daw ang anak ni former Supermodel/Miss International Melanie Marquez dahil ikalawang beses na niyang sumali rito kung saan nakuha siya nagwaging Miss Universe Philippines Tourism 2022.

Nag-compete na rin si Michelle sa Miss World 2019 at pumasok pa siya sa Top 12.

Mas deserving daw manalo ang Boholana-Belgian candidate na si Pauline Amelinckx.

Sa Twitter, may nag-aakusa pa sa Miss U org ng pang-i-scam sa resulta dahil “the design is very luto” diumano.

Anumang protesta ang gawin ng netizens, sabi nga, tapos na ang boksing. Na-proclaim at naiuwi na ni Michelle ang korona sa pageant na ginanap sa SM Mall of Asia at hinost nina Xian Lim at Alden Richards.

Si Christine Opiaza ng Zambales ang tinanghal na first runner-up habang si Miss Pampanga Angelique Manto naman ang second runner-up. Si Pauline ang nag-uwi ng titulo bilang Miss Supranational Philippines 2023.

Nasa Tuscany man, bumati pa rin si 2018 Miss Universe Catriona Gray kay Michelle. Aniya, “Just got signal here in Tuscany and saw all the news! We have a new Ms Philippines! Congrats @michelledee !! Excited to witness how you’ll carry our sash again!”

Ire-represent ni Michelle ang ‘Pinas sa 72nd Miss Universe na gaganapin sa El Salvador.

AUTHOR PROFILE