Exam

Sanitary Engineers Board Exam itinakda sa Aug 29-31

August 28, 2023 People's Tonight 252 views

INANUNSIYO ng Professional Regulation Commission (PRC) na hybrid setup o kombinasyon ng dalawang paraan ang August 2023 Sanitary Engineers Licensure Examination (SELE).

Ayon sa PRC, gagamitin ang computer-based Licensure Examination (CBLE) para sa mga examinee na nasa Metro Manila, habang magpapatuloy sa mga lugar tulad ng Davao at Rosales City ang tradisyonal na paper-and-pencil examination.

Nakatakdang gawin sa Agosto 29, 30 at 31, 2023 ang SELE.

Hinihimok din ng PRC ang publiko na bisitahin ang kanilang website at mga social media account gaya ng Facebook at Twitter upang makatanggap ng mga update kaugnay ng August 2023 SELE.

AUTHOR PROFILE