Default Thumbnail

Salceda: Pagbuo sa DDR possible

August 2, 2022 People's Tonight 297 views

NAKIKITA ni House Ways and Means Chairman Albay Representative Joey Sarte Salceda na maaaring malikha ang isang ahensiyang pang-kalamidad sa ilalim ng administrasyong Marcos at nangako siyang isusulong niya ang panukalang ilagay ito sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo (Office of the President).

Binalangkas ni Salceda ang unang bersiyon ng “Disaster Risk Reduction” (DRR) bill sa 17th Congress.

Sa panukala niya, magiging isang malaking ahensiya ang Department of Disaster Resilience (DDR). Ilang beses niya itong inihain sa Kamara na dalawang beses naman itong inaprubahan, ngunit hindi pumasa sa Senado kahit ilang beses din itong idineklarang “priority” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Naging usap-usapan na naman ang DRR matapos padapain ng malakas na lindol ang Abra na matindi ring nanalasa sa ilang probinsiya sa hilagang Luzon.

AUTHOR PROFILE