Salceda

Salceda muling hinirang ng Incheon bilang Int’l Affairs Advisor

December 10, 2021 People's Tonight 924 views

LEGAZPI CITY – Muling hinirang ng Incheon Metropolitan City, ng South Korea, si Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda bilang tagapayo o ‘Advisor for International Affairs’ na hawak niya mula pa noong 2009 nang gubernador pa siya. Nilagdaan ni Incheon Mayor Park Nam-choon nitong nakaraang Nobiyembre 28,
ang paghirang sa kanya na mananatili hanggang Nobiyembre 27, 2023.

Unang hinirang sa Salceda bilang tagapayo sa ilalim ng ‘Albay-Incheon sisterhood pact’ na binalangkas sa ginanap na ‘Incheon Sister Cities Conference sa naturang taon na nagsulong sa matibay na pang-ekonomiyang ugnayan ng Incheon Metropolitan City at Albay. Pinatibay nito ang kooperasyon sa pamumuhunan at kalakalan sa pagitan nila na nagsimula noong 2007 pa.

Pinasalamatan ni Salceda, na siyang chairman ng House Ways and Means Committee, si Incheon Mayor Park Nam-choon at Incheon Metropolitan Authority sa patuloy na tiwala sa kanya sa nakalipas na 11 taon. Ipinahayag din niyang patuloy na susulong ang paglago ng magkabilang panig sa ilalim ng kanilang pagtutulungan.

Sinimulan ni Salceda ang ugnayan sa Incheon noong 2007 pa bago siya hinirang bilang ‘International Economic Advisor of Incheon Metropolitan Authority. Ayon sa kanya, ang muling pagkakahirang sa kanya ay “karangalang sadyang nuukol sa Albay at mga mamamayan nito na kinakatawan niya hanggang ngayon na nag-ani ng maraming karangalan sa maraming larangan.

Pinarangalan ng Department of Interior and Local Government ang Albay noong 2013 bilang “Best Province in local governance.” Umani ito ng pagkilala sa “Best education program” kaugnay ng ‘Albay Higher Education Contribution Scheme — Education Quality for Albayanos,’ libreng twisyon sa mga ‘community colleges’ at mga sangay ng Bicol University. ‘Brilliant Young Teachers, National Achievement Test’ matapos tumaas ito mula sa pang-19 na pwesto mula pang-177, Bakas Parangal ng Kabayanihan, bilang tanging lalawigang may sariling ‘Provincial Education Department, Graduate Studies Subsidy Program,’ at modernisasyon ng Bicol University at malawakang pagsasanay sa ilalim ng Technical Educational and Skills Development Authority.

Sa patnubay ni Salceda, umani ng malawakang pagkilala ang Albay sa ‘Disaster Risk Reduction-Climate Change Adaptation (zero casualty, preemptive evacuation, Community-based Disaster Risk Management, Climate Change Academy; Albay Provincial Safety Emergency Management Office (Apsemo) na nagbuslo ng tatlong magkakasunod na ‘Kalasag Awards’ para sa lalawigan, Legazpi City at bayan ng Sto. Domingo na lahay ay nasa ‘Hall of Fame’ na ng parangal; isang Galing Pook Award para sa Apsemo at katulad na mga parangal para sa ‘Team Albay Humanitarian Disaster Response, and Albay Health Emergency Management o AHEM;

Kasama rin sa mga natatanging parangal kay Salceda ang bilang ‘UN Senior Global Champion in DRR-CCA;’ kauna-unahang Asianong naging ‘UN Green Climate Fund co-chairman’ na nakalikom ng $13 bilyong para sa ‘climate change adaptation and mitigation;’ pangkalusugang parangal gaya ng MDG, Galing Pook Award, at Manuel L Quezon Award mula sa DOH para sa pagbura sa TB ‘–97% immunization, 100% notification and 97% cure rate’ na itinuturing niyang “pinakamalapit sa puso ko dahil hindi ito iginawad kaninuman mula noong 2017 at 26 taon bago noon;” ang ‘BHW empowerment,’ ang modernisasyon ng BRTTH at pagpalaki ng kapasidad nito sa ‘600-bed capacity’ kasabay ng pagtatag ng ‘Bicol Heart Center, ER Trauma, and Bicol Cancer Institute.’

AUTHOR PROFILE