relief Libu-libong nangangailangan ang natulungan ng Pitmaster Foundation sa unang taon at marami pa ang nakalatag na tulungan.

Libu-libong Pinoy sa buong PH natulungan na ng Pitmaster Foundation

December 12, 2021 People's Tonight 360 views

Sa unang taon ng walang humpay na serbisyo

Libu-libong nangangailangang Pinoy na sa buong bansa ang natulungan ng Pitmaster Foundation sa unang taon pa lamang nang pagbibigay nito ng walang humpay na serbisyo sa mga mamamayan.

Ang Pitmaster Foundation, na isang pambansang organisasyon ng kawanggawa na may malakas na ugnayan sa mga komunidad at mga institusyonal na kasosyo, ay isa sa pinakamalaking pribadong sektor na pinagmumulan ng tulong medikal at pinansyal sa mga mahihirap.

Sa unang taon nito, sa pamumuno ng chairman nito na si Charlie “Atong” Ang, ang foundation ay pinangunahan ng Executive Director nitong si Atty.Caroline Cruz, na nagtutungo sa iba’t ibang panig ng bansa sa gitna ng banta ng pandemya, upang tulungan ang libu-libong Pilipino mula Luzon, Visayas at Mindanao, na naging sanhi upang tumatak sa isipan ng mga tao ang kahulugan ng ‘PITMASTER’ na “Providing Indigent Timely Medical Assistance Service and Targeted Emergency Relief.”

Kinilala rin ang Pitmaster foundation na kaagapay ng pamahalaan sa pagbibigay ng direktang tulong pinansyal sa mga Pilipinong nangangailangan ng atensiyong medikal. Nirerekognisa rin sila dahil sa kanilang pagsisikap na tumulong sa paglaban sa COVID-19, gayundin laban sa kagutuman, kahirapan, at pagkawala ng kabuhayan na kaakibat nito.

Ayon kay Atty. Cruz, ang foundation ay nakatulong na sa halos 13,000 Pilipino sa kanilang mga dialysis treatment, isa sa mga pinaka-pinansiyal na mga pasanin ng isang pamilya na may sakit sa bato. Nagbigay din ito ng tulong na pagkain sa mahigit sa 350,000 pamilyang Pilipino sa panahon ng COVID-19 pandemic lockdowns.

Sinabi pa ni Atty. Cruz, natupad na rin ng foundation ang kanilang commitment na magbibigay ng tig-isang ambulansya sa lahat ng lalawigan ng bansa. Nabatid na nakapagbigay na ang foundation ng 137 ambulansya at patuloy na tumutulong sa mga lalawigan sa kanilang mga hinihinging mga ayuda.

Ani Cruz, mismong ang pangulo ng liga ng mga gobernador sa bansa ang nagsabi na ang foundation ay ‘one text away’ lang sa tuwing kailangan nila ng tulong.

Nabatid na ang Pitmaster rin ang isa rin sa pinakamalakas na kaalyado ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19. Nabatid na nagkaloob ito ng limang milyong facemask, freezer at tumulong sa pagbabakuna ng 9,000 katao at ngayon ay sumusuporta sa kampanya ng pagbabakuna ng gobyerno sa isang nationwide raffle para sa mga nabakunahang indibidwal, na may mga premyo na nagkakahalaga ng P20 milyon.

Aktibo ring sinusuportahan ng foundation ang mga partner nito, nagbigay ng halos P30 milyon na tulong sa mga tricycle driver at iba pang lumikas na tao, pagbibigay ng mga kagamitan sa pulisya upang tumulong sa pagpapatupad ng batas, pagsuporta sa mga katutubo, pagbibigay ng 6,300 wheelchair sa mga taong may kapansanan, at tumulong sa reforestration sa may 250 ektarya ng kabundukan sa mga lalawigan ng Quezon at Laguna.

Tiniyak naman ni Atty. Cruz na ngayong nakaisang taon na ang foundation sa paglilingkod, layunin nilang makipagtulungan pang lalo sa pamahalaan, civil society, at iba pang mga katuwang upang maisakatuparan ang misyon nitong magkaloob ng direkta at compassionate na assistance sa mga Pilipinong higit na nangangailangan.

AUTHOR PROFILE